One Last Time
“Limang taon, Romer. Limang taon akong nagtiis sa bawat gabi na iniisip ko kung nasaan ka, kung sino ang katabi mo. Akala ko hindi na tayo babalik dito. Akala ko… patay na ang tayo.”
Hinawakan ni Olive ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Mainit ang hawak nito. Pero sa kabila ng init, parang yelo ang dumadaloy sa ugat ni Romer.
“Pero nandito na tayo,” bulong ni Olive, ang mga mata ay nagniningning sa pag-asa. “Ikaw at ako. Tulad ng dati. Walang hadlang. Walang… kanya.”
Pinilit ni Romer na ngumiti. “Oo, Olive. Nandito na tayo.”