The Billionaire's Son
Hinayaan na muna ni Aeriza at Jaydon si Moon kasama ang mga magulang nila saka sila lumabas na dalawa at nagtungo ng swimming pool.
Magkahawak kamay silang naglalakad. Nang makita ni Aeriza na napakalaki ng Moon sa kalangitan ay napangiti na lang siya dahil kung gaano kalaki ang Moon ngayon ay kasing laki rin ng ngiti ng anak nila.
“Sana ganito na lang palagi, walang problema, walang mga iniisip. Palagi na lang masaya.” Anas ni Aeriza. Naupo silang dalawa sa duyan na nakaharap sa buwan.