You Are My World And My Everything
"Kapag may sampung bagay na nagpapatunay na mahal ka niya, hahanapin mo yung isang bagay na pwedeng magpatunay na hindi."
Natigilan ako.
Dahil eksaktong ganoon nga.
Kapag sweet siya, masaya ako.
Pero kapag hindi agad nakapagreply, nag-ooverthink ako.
Kapag sinabi niyang miss niya ako, kinikilig ako.
Pero kapag naging busy siya, natatakot ako.
"Trust is a choice, Maria."
Tahimik akong nakinig.
"Hindi mo makokontrol lahat."