Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
1026.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 741 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
The Casanova's Nemesis

The Casanova's Nemesis

Dahil sa matinding pangangailangan, napilitan si Marriane Mercadejas na sumama sa kaibigan nito na magpunta sa isang high society exclusive bar para maghanap ng matandang mayaman. Kailangan niya ng pera para hindi sila paalisin ng nanay niya sa inuupahan nitong bahay, pero imbis na matandang mayaman ang makaharap ay nakaharap niya ang kilalang Casanova na si Timothy Axel Laxamana. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagkikita, na hahantong pa sa pisikalan dahil sa pagiging palaban ni Marriane. Akala nila ay hindi na mag kukrus ang landas nila, hanggang sa mainterview si Marriane sa kumpanyang inapplyan niya, at ang magiging boss niya? walang iba kundi ang lalaking kinaiinisan niya at kinaiinisan rin siya. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa kapag palagi silang nagkikita? mas titindi ba ang bangayan ng dalawa? o tulay ito para sa pagkahulog nila sa isa’t isa.
91.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
The Devil In Him

The Devil In Him

RATED SPG 18+ Love, Regrets, and Second Chances. Clark Monte Carlo, ang binatang pinapangarap ng lahat. Mabait, magiliw, maalaga, at higit sa lahat, mayaman. Jackpot na nga para sa isang dalagang tulad ni Claire David na isang breadwinner mula pa sa Visayas, na dumayo pa sa Pampanga para makipag sapalaran. Ngunit sa patuloy na paglalim ng relasyon nila ay siya ring pagdiskubre niya sa totoong katauhan ng binata. Ang magiliw at magandang imahe nito ay may itinatago palang isang madilim at malagim na sikreto. Kasabay sa pagkabuntis ng dalaga ay ang biglang paglaho ng binata. Hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa pagmamahal? Kakayanin kayang tanggapin ni Claire ang masalimuot na pagkatao ni Clark? Papayagan niya kayang makapasok sa buhay ng anak niya ang taong minsan na silang iniwan? Alamin ang lahat ng iyan dito lang sa The Devil in Him
9.94.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 83 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
830 viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
SINNER (wild feelings SPG 3)

SINNER (wild feelings SPG 3)

Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
1066.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.6K Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID

THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID

Dahil sa pagkabunggo ng kapatid sa kotse ni Arya ay wala siyang nagawa kundi ang lumuhod sa harap ng aroganteng si Theon Alvaro para lang mapalaya ang kapatid niya sa kulungan. “Sa tingin mo ay sapat ang pagmamakaawa mo para maayos ang nasirang kotse ko?”  “Gagawin ko ang lahat sir, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo para lang pakawalan niyo ang kapatid ko.” umiiyak na sambit niya. “Gagawin mo ang lahat?” Tumango siya. “Then, will you be my personal maid?” ~~~~ Hindi alam ni Arya na sa pagiging personal maid niya pala kay Theon ay kasama na doon ang pagpapaligaya rito.  Sa harap ng marami, isa lang siyang normal na maid pero sa nakasarang pinto— she is not just a maid, she was his bed warmer and bed partner. Hanggang kailan kaya sila mananatili sa ganuong setup?  Makalaya kaya si Arya sa kamay ni Theon? O makaya kaya ni Theon  na pakawalan pa siya lalo na at unti-unti na siyang nahuhulog para kay Arya? …
10455 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
A Night Owned by the CEO

A Night Owned by the CEO

Isang gabi lang ang naging kapalit ng lahat para kay Luna Solace. Bilang isang masipag na empleyada, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang inang may sakit—kahit pa ubusin niya ang sarili sa overtime at pagod. Ngunit sa isang gabing hindi niya inaasahan, pinagtagpo siya ng pagkakataon at kahinaan sa loob ng opisina ng CEO na si Rafael Blackwell. Pagod din si Rafael—sa pamilyang pilit siyang pinapakasal, sa responsibilidad na hindi niya matakasan. At sa gitna ng alak at lungkot, may nangyari sa kanilang dalawa na hindi na mababawi. Kinabukasan, inalok niya si Luna ng pera kapalit ng katahimikan. At tinanggap iyon ni Luna—hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya para sa kanyang ina. Akala niya, matatapos doon ang lahat. Ngunit para kay Rafael, ang isang gabi ay hindi sapat. Dahil habang pilit siyang iniiwasan ni Luna, mas lalo naman niya itong gustong mapasakanya. At sa mundong kontrolado ng kapangyarihan at obligasyon—paano kung ang pinakamalaking pagkakamali nila ang siya ring maging pinakamapanganib nilang pagnanasa?
10620 viewsOngoingIdinagdag sa Library 19 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
Sperm and Contract Marriage

Sperm and Contract Marriage

Gusto lang naman ni Isabel maging isang ina. Pero dahil sa isang epic fail na medical mix-up, ang ending, buntis siya sa anak ni Luhence Travino. Sino si Luhence? Isang ruthless billionaire na wala sa bokabularyo ang salitang "pag-ibig." Para sa kanya, business deal lang ang lahat, kasama na ang pag-alok ng isang contract marriage para makuha ang bata.
327 viewsOngoingIdinagdag sa Library 8 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
The Billionaire's Forgotten Heir

The Billionaire's Forgotten Heir

Limang taon na ang nakararaan, nagising si Elira Marquez sa ospital na sugatan, buntis, at may hawak na waiver—isang dokumentong may pirma ng kaniyang billionaire boyfriend na si Azriel Monteverde, na nag-uutos na ipalaglag ang kanilang anak kapalit ng limampung milyong piso para sa nalalapit nitong arranged marriage. Para maprotektahan ang sanggol, gumawa ng paraan si Elira sa tulong ng kapatid niya. Gumamit sila ng pekeng Death Certificate para palabasing patay na ang bata, bago sila tuluyang nagtago. ​Dahil sa problema sa pamilya, bumalik si Elira sa Maynila para maging financial auditor sa kumpanya ni Azriel. Sa muling pagkikita nila, napilitan siyang tumira sa mansyon nito dahil sa isang kasunduan. Isang lumang locket ang magiging susi sa katotohanan. Sa loob nito, may larawan ng isang limang taong gulang na batang lalaki na kamukhang-kamukha ng bilyonaryo. Ngayong alam na ni Azriel na buhay ang kaniyang tagapagmana, hanggang saan kayang panindigan ni Elira ang kaniyang mga naging kasinungalingan? At paano haharapin ni Azriel ang katotohanang ang kaniyang sariling dugo at laman ay pinalaki bilang isang lihim ng nakaraan?
423 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
Sold To The Ruthless Billionaire

Sold To The Ruthless Billionaire

"I didn't buy you to be a wife, Clara. I bought you to be my toy. To watch your life crumble, just like what your father did to mine." Ipinagbili ang simpleng dalaga na si Clara Santos sa malupit na bilyonaryong si Sebastian Vergel bilang pambayad-utang ng kanyang ama. Sa loob ng mansyon, naranasan ni Clara ang bagsik ng lalaking binalot ng poot, hanggang sa ang kanilang ugnayan ay nauwi sa isang mapanganib na obsesyon. Ngunit nang masira ang tiwala ni Sebastian dahil sa mga maling paratang, tumakas si Clara dala ang isang malaking sikreto—buntis siya sa tagapagmana ng lalaking itinuturing niyang kaaway. Makalipas ang ilang buwan, ang dating “Ruthless Billionaire” ay luluhod sa harap niya para sa kapatawaran. Sa isang malayong probinsya, matatagpuan ni Sebastian ang asawang pinalayas niya, may dalang bagong buhay. Handa na bang magpakumbaba ang bilyonaryo para sa kanyang mag-ina, o tuluyan na siyang itataboy ni Clara para sa kanyang kalayaan?
107.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 229 Beses bilang tula para sa idolo
Read
+Library
PREV
1
...
1415161718
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status