His Personal Maid
"Wala lang 'yon. Magkaibigan tayo. Kaya dapat lang na tulungan kita kasi tinutulungan mo rin naman ako, e."
Kaibigan.
Magkaibigan lang sila.
Iyon ang mga salitang nakapagpabingi sa kanya. Oo nga, magkaibigan lang sila. Ang sakit pala na marinig iyon. Kahit na alam naman niya noong umpisa pa lang kung ano lang siya sa buhay ni Karina. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-asa na balang araw, baka siya naman, na baka, siya naman ang piliin ni Karina at maging higit sa kaibigan lang ang turing sa kanya nito.