Ang Asawa Kong Artista
Nami Ashantelle Santiago’s POV
Ang aga-aga, pero heto ako sa kusina. Kagaya ng nakasanayan, nagluluto ng almusal para sa asawa kong si Luigi—ang lalaking hindi yata naimbento ang salitang “salamat” sa bokabularyo niya. For three years, consistent ako sa routine na ‘to. Ang sabi kasi nila, “The way to a man’s heart is through his stomach.” Eh si Luigi yata, walang puso, kaya hindi tumatalab.