Falling For The Wrong Mr. Villarreal
Gagawa at gagawa ng paraan ang isang mapangahas na babae para makuha ang lalaking gusto niya. Para kay Kora Santos, walang puwang ang salitang pagsuko pagdating sa kaniyang bilyonaryong boss na si Leon Villarreal. Sa loob ng limang taon bilang assistant nito, umikot ang mundo niya sa mga lihim na sulyap at pormal na utos nito sa intercom. Kaya naman sa gabi ng kaarawan ni Leon, itinaya ni Kora ang lahat: isang mapusok na plano, isang baso ng alak na may pampalibog, at ang kaniyang pagkabirhen na isinuko niya sa isang gabi ng matinding pagnanasa.
Ngunit ang akala niyang simula ng kaniyang pangarap ay nauwi sa isang malaking gulat. Kinabukasan, tila walang nangyari—dahil binalewala at itinanggi lang ni Leon ang gabing pinagsaluhan nila.
Nadurog ang puso ni Kora, pero mas lalong nabulabog ang mundo niya nang humarap sa kumpanya ang lalaking pansamantalang mamumuno rito: si Erik Villarreal. Ang kakambal ni Leon na may pamilyar na peklat sa kanang mata.
Sa isang sulyap sa mapang-asar na ngisi nito, gumuho ang mundo ni Kora. Hindi ang boss na hinahangad niya ang nakuha niya, kundi ang mas wild, mas bastos, at mas gwapong kambal nito!
Ngayong alam ni Erik ang lihim niya, hinarap niya si Kora para sa isang kasunduan: anim na buwang kontrata bilang sekretarya at eksklusibong fuck buddy, kung ayaw nitong magdemanda siya sa pulis tungkol sa ginawa niya sa kanyang inumin. Sa bawat gabi na magkasama sila, unti-unting naramdaman ni Kora na ang kaniyang pagkakagusto ay napupunta sa maling kapatid—ngunit paano niya tatakasan ang lalaking unti-unti nang umaakit sa kaniyang puso at katawan?