“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
ดูเพิ่มเติมIsang fashion event ang dinaos at dinaluhan ng mga kilalang personalidad at kasama dito ang ex ni Alexis na si Julio. Sobrang sakit ng loob niya imbes na maging masaya si Alexis dahil sa tagumpay ng kanilang event ay parang gusto niyang magluksa. Hayun siya sa isang sulok ng ballroom at umiinom hanggang sa matanaw niya si Ralph. Ito ang taong makakatulong para maibangon ang dangal niya pero paano nya ito kukumbinsihin? Hindi na nakapag isip pa ng plano si Alexis at basta na lang nilapitan si Ralph.
Bago pa man makapag-isip ng magandang plano si Alexis, hinawakan naniya ang batok ni Ralph, hinila ito palapit—at hinalikan. Mainit. Matapang. Mapangahas. Ang buong lugar ay tila natigilan. May mga napalingon, may mga nagtaka, may mga napangiti. Ngunit wala ng pakialam si Alexis. Lasing siya. Hindi sa alak lamang—kundi sa galit, sa sakit, sa pagod ng paulit-ulit na panlilinlang. Nakita niya kasi kanina si Julio—ang dating kasintahan.Kasama nito si Mica, ang babaeng naging dahilan ng lahat ng kanyang kabiguan. At ngayon, magkaakbay at magkalingkis silang parang walang nangyaring kasalanan. Kaya heto siya ngayon, nakipaghalikan sa lalaking kaibigan ng kanyang ex—si Ralph. Nagulat siya nang hindi umiwas si Ralph. Hindi lang ito pumayag—gumanti ito. Mas mariin. Mas malalim. Para bang may pinakakawalang damdamin na matagal nang ikinukubli. Ngunit sa likod ng halik ay isang bagay na hindi niya inaasahan. May dumaplis na damdaming hindi bahagi ng plano. Hindi ito dapat kasama. Hindi dapat siya kinabahan. Hindi dapat siya... kinilig. Pagkatapos ng halik, unti-unti niyang binawi ang kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. Malapit. Tahimik. “Bakit ka pumayag?” tanong niya, bahagyang garalgal ang tinig. “Bakit hindi?” sagot ni Ralph, habang nakatitig pa rin sa kanya, tila sinisilip ang mga lihim sa likod ng kanyang mga mata. “Isang halik lang dapat…” bulong sa sarili ni Alexis habang pinipigilan ang sariling mapatingin muli kay Ralph. “…pero bakit parang gusto kong ulitin?” Sinapo niya ang labi niya, parang sinusuri kung may bakas pa ng mapangahas na tagpong iyon. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng daliri niya. Hindi ito takot. Hindi rin ito kaba na gaya ng dati. Ito ay… pananabik. At ayaw niyang aminin iyon. Napahinto siya sa gitna ng corridor. Napalingon si Ralph. “Okay ka lang?” tanong ni Ralph, bahagyang may pag-aalala sa boses. Tumingin si Alexis sa mga mata nito—matapang, mahinahon, pero may tagong damdaming nagkukubli sa likod ng bawat tingin. “Okay lang,” sagot ni Alexis, ngunit tila hindi kumbinsido kahit siya mismo. “Medyo… nagulat lang ako sa sarili ko.” Hindi nagsalita si Ralph. Hindi rin siya lumapit. Nakatayo lang ito sa tapat niya, parang hinihintay siyang buuin ang sariling isip. Sa likod niya, naririnig niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao, ang pag-click ng mga kamera, at ang mabibilis na yabag ng mga usisero. Pero ang tunog na pinakamalakas at nakakabibingi ay ang mabilis na tibok ng kanyang puso. At hindi niya inaakalang ang halik na iyon—na dapat ay bahagi lamang ng isang panandaliang paghihiganti—ang magpapagising sa kanyang matagal na siyang nahihibang sa maling tao. Hindi alam ni Alexis kung anong mas nakakakaba—ang mga matang nakatingin sa kanila o ang presensya ni Ralph na hindi pa rin umaalis sa tabi niya. Nag-angat ng kilay si Julio mula sa kinatatayuan nila ni Mica. Kita sa mga mata nito ang pagtitimpi—ng galit? O ng pagtataka? Hindi niya alam. Si Mica naman ay tahimik pa rin, ngunit napansin ni Alexis ang bahagyang paninigas ng panga nito, na para bang nagpipigil ng isang hindi kanais-nais na reaksyon. “Show’s over,” bulong ni Ralph, halos hindi gumagalaw ang labi. “Tara na. I’ll take you home.” Hindi siya agad nakakilos. Parang may parte sa kanya ang gusto pang manatili—hindi para ipagpatuloy ang eksena, kundi para lang maramdaman ang init ng mga labi ni Ralph sa kanya. Ano na namang kagagahan ang naisip niya? Hindi pa rin makagalaw si Alexis. Parang may mga tanikala sa kanyang mga paa—hindi ng takot, kundi ng hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi siya handa sa halik. Lalong hindi siya handa sa lahat ng posibleng mangyari bunsod ng aksyon nya ngayon. Ngunit isang saglit lang, at naramdaman na niya ang kamay ni Ralph sa kanyang pulso. Hindi marahas, pero matatag. May pag-alalay. May… pakialam. Hinila siya nito palayo. At habang naglalakad silang dalawa palabas ng hall, sa gilid ng paningin ni Alexis ay namataan niya ang grupo ng kanilang mga kapwa fashion stylist—mga kasamahan sa industriya, mga kasabwat sa tsismis, at mga tahimik na saksi sa kanyang pagkadurog ilang linggo pa lamang ang nakakaraan. Isa-isang nagtaas ng baso ang ilan. May kumindat. May pumalakpak. May nag-cheer ng malumanay, na para bang sinasabi: “Finally.” “About damn time.” “Sa wakas, gumising ka na, gurl.” Bahagyang napangiti si Alexis. Malungkot. Magaan. Hindi niya akalaing may mga taong lihim na nagmamasid, umaasang matututo rin siya mula sa mga maling desisyon. Habang patuloy silang naglalakad, lumingon siya muli sa ballroom. Sina Julio at Mica ay naiwang nakatayo, tila hindi alam kung magpapatuloy ba sa pagpapanggap na walang nasaktan, o hahabulin ang eksenang tuluyan nang sinarhan. “Sigurado ka bang ayaw mong bumalik at suntukin si Julio?” tanong ni Ralph, pilit na pinapagaan ang hangin. May ngiti sa labi pero may tensyon pa rin sa boses. Napahagikgik si Alexis, unang beses ngayong gabi. “Hindi na. Tapos na ’yung chapter na ’yon,” sagot niya, pero sa loob-loob niya: baka nagsisimula na ang bagong isa. Huminto sila sa harap ng elevator. Sa sandaling iyon, nagkatinginan ulit sila—hindi na dahil sa pagtataka, kundi dahil sa tahimik na tanong na sabay nilang gustong itanong: “Anong susunod?” Bago pa man bumukas ang pinto ng elevator, Alexis ay muling nagsalita, mahina pero malinaw: “Ralph… thank you. Hindi ko alam kung anong pinasok ko, pero salamat.” Tumingin si Ralph sa kanya. “Hindi ko rin alam. Pero kung ito man ang simula ng gulo… handa akong sumabay.” Bigla silang natahimik. Wala ni isang salita sa unang ilang minuto. Tanging ingay ng tibok ng puso ni Alexis at ang paghinga nila ang pumupuno sa pagitan nila. Hanggang sa biglang nagsalita si Ralph. “Pakasal na tayo.”Habang unti-unting natatapos ang hapunan ni Ayesha sa dining table, tahimik na nagliligpit si Alexis ng mga plato. Sa tabi ng kusina, naroon si Ralph, may hawak na basong may tubig—tila inaantay ang tamang sandali para magsalita.“Lex…” mahinang tawag ni Ralph, nilalapitan siya sa lababo. “I know nakita mo ‘yung nangyari kanina sa opisina. Gusto ko lang na manggaling sa akin ang lahat.”Hindi agad sumagot si Alexis. Inayos muna niya ang huling plato sa dishwasher bago humarap. Hindi galit ang mga mata niya—pero may halong pagod at pagsusuri, parang sinusukat kung gaano niya kakayanin pa ang paulit-ulit na paglalagay ng kanyang asawa sa alanganing sitwasyon.Alam niyang wala si Ralph sa maling posisyon, pero hindi rin nawawala ang pangambang baka sa susunod, matisod na ito pagkakamali.“Nagulat din ako sa inasal niya,” tuloy ni Ralph, “Akala ko professional siya, pero clearly, iba ang pakay. I corrected her. I kept my distance even before. She never had a chance.”Napabuntong-hininga s
Mula nang muling maayos ang lahat sa pagitan nila ni Alexis, mas naging maingat si Ralph sa lahat ng kilos at salita niya—lalo na’t hindi niya makakalimutan kung paano niya muntik masira ang tiwalang binuo nilang dalawa. Kaya nga sa bawat umaga, bago siya umalis ng bahay, humahalik siya sa noo ng asawa niya. At bawat gabi, uuwi siyang may dalang maliit na pasalubong o kwento para sa anak nilang si Ayesha.Ngunit kahit anong ingat, hindi palaging maiiwasan ang tukso—lalo na kung ito mismo ang kusang lumalapit.“Attorney Santillian,” mahinhing tawag ng bago niyang sekretarya, habang may hawak na tray ng kape. “Double shot espresso with one pump of caramel. Tama ba?”Napatingin si Ralph, bahagyang gulat. “Oo. Thank you.”Mabilis ang babaeng ito—matangkad, maayos, may itsura at may kumpiyansang hindi umaabot sa pagiging bastos. Madalas siyang nakangiti, at laging attentive kaysa kailangan. Sa mga unang linggo ng pagiging sekretarya nito, wala namang masama. Maayos naman ang trabaho, mahus
Tatlong buwan.Tatlong buwang ako ang magiging legal na asawa ni Alexis—kung papayag siya.Mukha man itong isang planong niluto ng abogado kong utak, pero ang totoo’y ito ang tanging paraang naisip ko para mapanatili siya sa buhay ko. Maaaring sa paningin ng iba, isang kontrata lang ito. Pero para sa akin, ito ang huling baraha ng pusong matagal nang sumusugal, pero palaging natatalo sa timing.Nang mga sandaling iyon, hindi pa tuluyang nagbabalik ang tiwala niya. Ramdam ko sa bawat pakikitungo niya sa akin—maingat, tinitimpla ang kilos, at laging may distansya. At sino nga ba naman ako para magreklamo? Ako ang lalaking sinabi niyang poprotektahan siya, ngunit natatakot ako na ako rin ang dahilan kung bakit muli siyang masasaktan.Pero mahal ko siya.Hindi na ito tanong, hindi na ito kalituhan. Mahal ko si Alexis, at kung tanging sa pamamagitan ng isang kontrata ko siya mapapabalik sa mundo ko, pipirma ako kahit ilang kopya pa.Noong araw na nilapitan ko siya sa maliit na garden café
Halos wala na ngang ilaw sa buong opisina maliban sa desk lamp na tumatanglaw sa mga papel na halos hindi ko na mabasa sa pagod. Gusto ko na lang matapos ang report at umuwi sa asawa kong naghihintay. Kay Alexis—ang babaeng pinangakoan kong poprotektahan, kahit pa minsan, ni sarili ko’y hindi ko mapangalagaan.Pero biglang bumukas ang pinto. Akala ko janitor o intern. Hindi.Si Mica.Suot ang isang fitted na dress na halatang pinag-isipan. May bitbit siyang kape—‘yung paborito kong blend pa rin, alam kong kabisado pa rin niya. Pilit kong itinuwid ang upo ko, hinaplos ang sintido para itaboy ang tensyon.“Thought you might need this,” bulong niya, sabay lapag ng baso sa mesa. May ngiting hindi ko na dapat pang maalala.“Mica… I told you, stop doing this.” Napabuntong-hininga ako. Paulit-ulit. Akala ko noon ako ang nahirapan, pero hindi niya naisip kung anong klaseng damage ang naiwan niya.Umupo siya sa gilid ng desk, masyadong malapit. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng taon na
Nagsimula ang lahat nang pinili ni Ralph na umiwas. Mula sa mga biruan, maikling sulyap, at mga tahimik na damdaming pilit niyang pinipigil tuwing naroon si Alexis. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang magkaroon ng bigat ang mga simpleng pag-uusap nila, pero natakot siya. Alam niyang komplikado ang lahat—lalo na’t nobya ito ng taong tinuturing niyang kapatid.Kaya lumayo siya.Unti-unti siyang hindi na bumibisita sa bahay nina Julio. Hindi na siya sumasabay sa hapunan, o nakikipagkwentuhan kapag naroon si Alexis. Tumigil siya sa pakikialam, kahit pa sa puso niya, alam niyang may dapat siyang sabihin—o pigilan. Pero pinili niyang wag.At doon niya nakilala si Mica.Sa isang legal forum para sa mga creatives at influencers, nandoon si Mica bilang keynote speaker. Isang rising star sa fashion scene, matalino, maganda, at may dating na agad na bumunggo sa isip ni Ralph. Hindi tulad ni Alexis na kalmado at payak ang kilos, si Mica ay palaban, laging sentro ng atensyon.Nang ipakilala si
Hindi ko kailanman inakala na mahuhulog ako sa ex ni Julio.Maraming beses ko nang sinasabi sa sarili ko na bawal. Mali. Komplikado. At higit sa lahat—delikado. Si Alexis? Siya ‘yung tipo ng babaeng dapat iniingatan, hindi nilalapitan para sa pansariling kagustuhan. Kaya nga noon pa man, pinili kong lumayo. Pinili kong hindi magpakita. Pinili kong tahimik na iwasan ang anumang pwedeng mag-ugat ng damdamin.Pero ‘yun ang akala ko. Na kaya ko.Hanggang sa gabing ‘yon.Isang halik lang ang inaasahan ko. Isang eksenang parte ng plano niya—ang magpanggap na kami para pasakitan si Julio. Tumango lang ako dahil gusto kong tulungan siya, o ‘yan ang sabi ko sa sarili ko. Pero nang hinalikan niya ako, at mas lalo akong gumanti, doon ko na-realize… may matagal nang bumubuhay sa akin na matagal ko nang pinipilit patayin.Damdamin para kay Alexis.At sa gabing ‘yon, sa halik na ‘yon, sa tibok ng puso kong parang lumilipad habang kasabay ang kanyang mga labi, doon ko rin napagtanto that I'm finally
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น