Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Dominant×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Revenge×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Drama×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Drama Web Novels & Dominant Revenge Stories

Explore novels and web novels featuring Dominant, with Revenge and Drama content. Browse engaging stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO - undefined novels & stories
Purple Moonlight
Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
8.7
513.1K 79 reviews
Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire - undefined novels & stories
Lavender Skye
Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire Dalawang taon naging magkasintahan sina Leon Santillan at Gazini Fowler bago sila ikinasal. Akala ni Gazini, siya na ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Ngunit sa loob ng isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, minsan lang siyang naging asawa sa tunay na kahulugan nito—sa mismong gabi ng kanilang kasal. Habang walang sawang nagtatrabaho si Gazini, buong tiwala niyang ibinibigay ang bawat pisong kinikita kay Leon, naniniwalang magkasama nilang binubuo ang pangarap nilang kinabukasan. Hindi niya pinansin ang malamig nitong pakikitungo, ang mga gabing mag-isa siyang natutulog, at ang mga pangakong hindi kailanman tinupad. Para sa kanya, normal lang ang magsakripisyo kapag nagmamahal. Hanggang isang araw, hinarap siya ng kabit ni Leon. "Hindi ikaw ang babaeng minahal niya. Ikaw lang ang babaeng nagbayad ng lahat ng luho namin." Sa isang iglap, gumuho ang mundong maingat niyang binuo. Ang bawat sentimong pinaghirapan niya ay ginamit pala para buhayin ang marangyang relasyon ng asawa niya at ng ibang babae. Hindi lang siya niloko—ginawa rin siyang tagapagtaguyod ng pagtataksil sa kanya. Pinili ni Gazini ang diborsyo at iniwan ang lalaking sumira sa kanyang puso. Habang unti-unti niyang binubuo muli ang sarili, nakilala niya si Gabriel Medina—isang makapangyarihan, guwapo, at misteryosong billionaire na kilala sa pagiging malamig at walang pusong negosyante. Tahimik siyang pinrotektahan ni Gabriel, tinulungan siyang bumangon, at ipinakitang may lalaking kayang pahalagahan ang kanyang halaga. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman maibibigay ni Gabriel—ang kanyang puso. At nang tuluyan nang tanggapin ni Gazini ang katotohanang iyon, bumalik si Leon, nagsusumamo ng isa pang pagkakataon. Dalawang lalaki. Isang pusong minsang nadurog. Sino ang pipiliin ni Gazini? Ang lalaking sumira sa kanya... o ang billionaire na inangkin ang kanyang buhay ngunit tumatangging ibigay ang kanyang puso?
10
6.6K
Maid of the Ruthless CEO - undefined novels & stories
Innomexx
Dahil sa isang business scandal na sinimulan ng pamilya ni Thalia Salvador, naapektuhan nang malaki ang kumpanya ni Rio Velasco. Nawalan siya ng milyon-milyong pera at nasira ang reputasyon ng kanyang kumpanya. Kasabay nito, iniwan siya ng babaeng dapat sana niyang pakasalan. Sa halip na ma-merge ang kumpanya ni Rio sa pamamagitan ng kasal, pinili ng babae na magpakasal sa ibang lalaki—at doon nag-merge ang kanilang mga kumpanya. Dahil sa galit at paghihiganti, nagdesisyon si Rio na ipakulong ang pamilya ni Thalia upang pagbayarin sila sa ginawa nila. Wala silang ibang choice kundi magmakaawa sa kanya. Pumayag si Rio na tulungan sila, pero may isang kondisyon. Si Thalia ang magiging personal maid niya. Kailangan niyang sumunod sa lahat ng utos ni Rio—kahit pa sa mga personal na bagay. Para kay Thalia, ito lang ang paraan para mailigtas ang kanyang pamilya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan.
10
88.2K 28 reviews
Lust in Paradise - undefined novels & stories
Miranda Monterusso
"Sarili kong ina, karibal ko." Nang makilala ni Anika si Daryl, hindi napigilan ng dalaga ang humanga sa guwapo pero arogante at dominanteng binata—the sexiest and youngest son of the Altagrasia family. Hindi rin maikakaila na attracted ito sa kaniya. Subalit may problema. Si Daryl Altagrasia ay ang anak ng lalaking pinakasalan ng mommy niya. In short, he's her stepbrother. Buong akala niya, iyon lang ang magiging hadlang sa pagtingin niya para dito, pero isang sikreto ang natuklasan niya na gumimbal sa kaniyang sistema. Daryl is the secret lover of her mother.
9.7
39.4K
The Doctor’s Second Life as a Zillionaire Bride  - undefined novels & stories
Doctor Heart
Dr. Serena Merano was a top surgeon in the city. She's brilliant, independent, and engaged to the man she thought was her soulmate. But her life ended on an operating table, betrayed and murdered by the very fiancé she trusted. Pagmulat ng kanyang mga mata, hindi ospital ang bumungad sa kaniya kundi isang marangyang bridal suite, isang wedding gown, at ang isang napakagwapong lalaki. “I can't wait to marry you and say I do, Claudia Venturero… and carry my last name Dela Costa.” Ang ipinagtataka niya ay hindi siya nito nakikilala bilang Serena Merano. Now, she must play along, hiding her past while planning revenge.
795
Bound to the CEO’s Revenge

 - undefined novels & stories
Yana Tuazon
Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
10
777
Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG) - undefined novels & stories
Deigratiamimi
Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa. Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo. Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin. Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss. Isang gabi ng kapusukan. Isang simula ng mga lihim. At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo. Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?
10
17.6K
Owned by the Mafia Don - undefined novels & stories
Raeven L. Veylor
Makakamit na sana ni Elena Corsini ang perpektong buhay na hinahangad niya. A lavish wedding, a powerful family, and the man she was destined to marry. Pero lahat iyon ang gumuho sa isang gabi lang nang agawin ng stepsister niya ang mapapangasawa niya, patayin ang kanyang ina, at sirain nito ang mukha niya. Determined to reclaim her life and seek vengeance, Elena trains under a dangerous crime boss with one mission: take down the Bellucci family, starting with the ruthless Mafia Don, Giovanni Bellucci. At para magtagumpay ay kailangan niya itong akitin, manipulahin, at wasakin lahat ng meron ang lalaking ito. But revenge is never simple. As Elena draws closer to Giovanni, she discovers a dangerous new emotion... desire. Unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaking iyon.
735
REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE  - undefined novels & stories
R. Gen
Sa hangaring maghiganti sa mga taong sumira sa kanya, naisip ni Jillian Castile ang perpektong plano. Gawing asawa ang kinamumuhiang karibal ng pamilya nila, ang hot ruthless billionaire bachelor na si Nikolai Steele. Pumayag si Nikolai, pero may kondisyon. Dapat niya itong masatisfy sa kama o tuluyang mawawala ang pagkakataon niyang maghiganti. Nakasalalay sa isang gabing iyon ang lahat.
1.1K
Until I Tasted You - undefined novels & stories
MissGorgJess
Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
10
876
The Blind Billionaire's Fake Girlfriend - undefined novels & stories
acire_berry
Isang performer sa bar si Sienna—sumasayaw upang aliwin ang mga lalaki, ngunit hanggang doon lamang ang hangganan ng kanyang trabaho. Wala nang iba. Kontento na sana siya sa buhay na nakasanayan, hanggang sa isang gabi, bigla siyang dukutin ng mga lalaking hindi niya kilala at dalhin sa isang napakalaking mansyon. Doon niya makikilala si Red Montemayor—isang bilyonaryong malamig, dominante, at may lihim na kapansanan. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig at talas ng pananalita, nabulag si Red dahil sa isang aksidente. Inaalok niya si Sienna ng isang kakaibang trabaho: ang maging "pekeng girlfriend" niya. Ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ni Red laban sa babaeng minsan niyang minahal—si Cassandra, ang ex-girlfriend na nagtaksil sa kanya. Ang sakit na idinulot ng pagtataksil ay nais niyang ipalasap pabalik, doble sa sakit na kanyang naranasan. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at mga damdaming unti-unting nabubuo, masusubok ang puso nina Sienna at Red. Paano kung may biglang sumulpot pa na isang lalaki—magiging kakampi ba siya o magiging kaaway? Habang tumatagal ang pananatili ni Sienna sa piling ni Red, unti-unting mabubunyag ang mga sikreto na mas makakapanakit sa puso ng binata. Ang pekeng relasyon ba’y mauuwi sa totoong pag-ibig, o magiging tulay lamang ang isa upang magbalik ang dating pag-ibig?
791
Isa Akong Multi-Billionaire - undefined novels & stories
victuriuz
Matapos ang tatlong taon na kasal sa isang hindi tapat na asawa, ang multi-bilyonaryo ay pinalayas sa kanyang tahanan! Pagkatapos ng diborsyo… Ang kanyang hindi tapat na asawa ay humihingi ng tawad habang sinasabi niya, "Nagkamali ako, mangyaring bigyan ako ng isa pang pagkakataon!"
10
26.4K
Hired to Serve, Forbidden to Love - undefined novels & stories
sweetjelly
Twelve million pesos. Iyon ang halaga ng utang ng pamilya ni Calessia Zerdan, at ang presyong nagdala sa kanya sa poder ng CEO na si Marc Landon Belmonte. Sa ilalim ng isang personal service contract, kailangan niyang sundin ang bawat utos ng lalaking kilala sa pagiging walang awa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas mapanganib ang relasyon nila, lalo nang magsimulang mabura ang linya ng kontrata at pag-ibig. Hanggang may bumalik mula sa nakaraan, dala ang katotohanang kayang sumira sa lahat. Mapipilitan si Calessia na pumili… kalayaan, o ang lalaking una pa lang, hindi niya dapat minahal.
10
7.4K
The Obsession Of A Dominant Billionaire - undefined novels & stories
VraielLajj
“You can run, but you can never hide.” Cuhen Malcogn. He is ruthless. His bleakness gaze can caused someone unnerved. One mistake and you're dead. That's how Cuhen Malcogn rule the world. Hindi siya ang typical na lalaking gugustuhin ng kararamihang babae dahil sa personalidad niyang handang lalapa ng tao. Isang agila kung ituring si Cuhen Malcogn nang mga tao. Lahat takot sa kaniyang presinsya. Kaya nung dukutin niya at itago sa kaniyang pribadong isla ang babaeng anak ni Don Hernandez na ikakasal na, matinding takot na naramdaman ng babae laban sa kaniya. Mali ang kalabanin ang isang Malcogn dahil patalikod siya kung lumaban. Pero isang araw tinakasan siya ng dalaga. Sa ginawa nito, mas lalo siyang binigyan ng rason na pahirapan ang babae. Hanggang sa mali na ang tinitibok ng kaniyang puso… ibang pangalan na ang binubulong nito… PS. Nandito sa book na ito ang buong Dominant Series. Tinanggal ni GoodNovel ang iba para 'di kayo mahirapan sakali sa paghahanap. No worry, may title naman bawat chapters kaya malalaman niyo kung kaninong kwento ang binabasa niyo.
9.9
101.2K
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ] - undefined novels & stories
Chocolate
Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
10
33.3K
Blossoming Seduction  - undefined novels & stories
Rawring
“I-I ran away,” hagulgol ko na tuluyan na ngang bumigay nang makalayo na sa Twin Towers ng Atkinson. “You what?!” gulat akong tinignan ni Franz mula sa salamin sa harap. Hindi ko na nga lang siya nakausap ng maayos dahil tanging luha ko na lamang ang naghahari sa akin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Gustong-gusto ko pang ipaglaban si Alaric at maikasal sa kanya pero ayaw kong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Kung ikapapahamak niya lang din, ay huwag na lang. Yes, I am the billionaire’s runaway bride... --•❦•-- Si Myrthala Zachra Armani Laurenco ay namulat sa isang marangyang pamilya. Puno ng pagmamahal ng mga tao sa kanyang paligid kaya gano'n na lamang siya nalugmok nang sa isang iglap ay natuon ang atensyon ng lahat sa kanyang bruhang pinsan. Nawala ang lahat sa kanya: pagiging heiress, atensiyon ng ama at ang mismong fiance. She became a murder suspect and she's been hated by everyone around her. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan at inabandona na siya ng mundo. Not until she met Alaric Atkinson. Ang tusong bilyonaryo at tagapagmana ng mga Atkinsons. Kaya ng malamang half-brother siya ng dating fiance, kinuha niya ang oportunidad na ito upang alukin siya ng kasal. 'Yon nga lang, ang kasal para kay Alaric ay sakal. Ngunit paano kung sa gitna ng kanilang laro ay may mabuo? Malilinis pa kaya ni Thala ang kanyang pangalan o mauuwi lamang siya sa kapahamakan? Where will Thala be taken by her impulsiveness and her blossoming seduction towards her brother-in-law? Is Alaric Atkinson a predator or a prey? An ally or an enemy?
10
2.2K
Possession Of Coldhearted Trillionaire  - undefined novels & stories
Ayumi Sai
"Luluhod ka sa harap ko, Nadine. At sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang bawat hapdi ng impiyernong dinanas ko." Si Nadine Esperanza ay desperada. Ang Hacienda Esperanza ay pabagsak na, at ang tanging taong makakapagligtas sa kanila ay ang lalakeng pinagtabuyan at minaltrato ng kanyang ama sampung taon na ang nakalipas—si Eiji Beaumont. Ngunit ang dating batang hamak sa tubuhan ay isa nang mapanganib, makapangyarihan, at malamig na trillionaire. Hindi pera ang kailangan niya mula kay Nadine... kundi ang dignidad nito.
569
Pagganap Bilang Bilyonaryo - undefined novels & stories
victuriuz
“Shush, maririnig ka niya. Itinago ng kanyang huling nobyo ang katotohanan na siya ay may asawa. Malinaw na gusto niyang tiyakin na hindi ako." Sinubukan ni Liam na mag-concentrate sa monitor, ngunit patuloy niyang hinihintay si Lorelei na pumasok at hiniling na malaman kung sino siya at kung ano ang kanyang ginagawa. Ang kanyang tiyan ay parang nakalunok ng isang supot ng mga bato.
2.5K
SUKDULAN NG GALIT MO ANG PAGHIHIGANTI KO - undefined novels & stories
The Silent Pen
Akala ni Veronica Bennett , sapat na ang pagmamahal upang mapanatiling buo ang kanilang pagsasama.Ngunit ang lalaking pinagkakatiwalaan niya ng kanyang puso ay siya ring dudurog dito sa pamamagitan ng pagtataksil. Sa likod ng matatamis na pangako ng asawa niyang si Darius , may ibang babaeng pinag-aalayan nito ng mga halik at pagnanasang dapat sana ay para lamang sa kanya. Ang sakit na kanyang tiniis ay naging galit, at ang mga luha niya ay naging simula ng isang mapanganib na paghihiganti.Hindi na siya ang asawang handang magpatawad. Sa pagkakataong ito siya naman ang maglalaro at walang sinumang makakatakas sa kanyang mga patibong. Ngunit sa larong pinamumunuan ng pagnanasa at paghihiganti, sino ang unang mawawasak? Ang lalaking nagtaksil, o ang babaeng nangakong hindi na muli magpapatalo sa pag-ibig. Dahil ang babaeng minsang nagmahal ng buong-buo ay maaari ring maging pinakadelikadong kalaban kapag ang puso niya ay tuluyan ng nilamon at dinurog ng dahil sa di mapigilang pagnanasa.
10
823
HIS PLEASURE FULFILLER - undefined novels & stories
eleb_heart
MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK Dahil sa kasalanan ng kaniyang ama ay napilitan siyang makipagkasundo sa may ari ng rancho sa kanilang bayan. Upang mabayaran ang kasalanan, siya ay namasukan bilang isang personal na tagasilbi. Ngunit hindi lang basta isang normal na tagasilbi, alipin, iyon ang pinakamarapat na tawag sa kaniya. Alipin nito sa KAMA...
10
52.9K
PREV
12

You May Also Like

New Arrivals

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status