Vebssss_Ink
Noong pitong taong gulang si Serena, si Lucian ang paborito niyang sundan kahit saan. Para sa kanya, si Lucian ang kuya na lagi niyang nilalapitan, kinukulit, at pinagkakatiwalaan. Sixteen si Lucian noon nang umalis siya para mag-aral sa ibang bansa. Bago siya umalis, nangako siyang babalik.
Labintatlong taon ang lumipas bago niya natupad ang pangakong iyon. Sa edad na twenty, muling nakita ni Serena si Lucian matapos ang mahabang panahon. Pero hindi na niya nakita ang Kuya Lucian na nasa mga alaala niya.
Isa na siyang twenty-nine-year-old man—mas tahimik, mas seryoso, at mas mahirap basahin. Sa simula, awkward lang para kay Serena na makasama ulit ang taong nakasanayan niyang tawaging Kuya. Sinusubukan niyang balewalain ang mga kakaibang tingin nito at ang pakiramdam na parang masyado nitong napapansin ang bawat kilos niya.
Si Lucian ang unang sumusubok umiwas. Alam niyang hindi na bata si Serena, pero sa isip niya, siya pa rin ang batang babae na dati niyang inaalagaan. Ayaw niyang aminin na habang lumalaki si Serena, nagbago rin ang paraan ng pagtingin niya rito.
Samantala, si Serena naman ay unti-unting napapaisip kung bakit iba ang pakiramdam niya kapag si Lucian ang nasa paligid.
Bakit siya kinakabahan kapag masyadong malapit ito?
Bakit niya napapansin ang bawat tingin, bawat salita, at bawat maliit na kilos nito?
At bakit parang ayaw niyang lumayo si Lucian kahit siya mismo ang dahilan kung bakit dapat silang mag-ingat?
Hanggang sa isang gabi, sa gitna ng kanilang pag-uusap at lahat ng matagal nilang pinipigilan, may mangyayaring hindi na nila kayang bawiin. Isang halik. Isang desisyong hindi pinag-isipan. Desisyon na hindi na maibabalik sa dati.
Dahil paano mo babalik sa pagiging “Kuya” ang isang taong natutunan mong mahalin bilang isang lalaki?
At paano kung ang taong pilit mong iniiwasan ay siya rin palang taong ayaw mong mawala?
222