Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to His Father, Claimed by the Son

Married to His Father, Claimed by the Son

"Welcome home, Xerxes." Iyan ang bating isinalubong ni Amara Mañago sa bagong dating na tagapagmana ng mga Castillejo. Pero imbes na yakap, isang nakakapaso at mapanuyang tingin ang natanggap niya. Dahil si Xerxes Castillejo—ang gwapo, rebelde, at bagong stepson niya—ay walang iba kundi ang ex-boyfriend na iniwan niya at dinurog ang puso tatlong taon na ang nakararaan. Napilitan si Amara na magpakasal sa ama ni Xerxes, ang bilyonaryong si Don Alfonso Castillejo, sa isang contract marriage para protektahan ang kumpanya at ang mana ni Xerxes mula sa mga gahaman nilang kamag-anak habang may sakit ang Don. Lihim ang kontrata. Sa mata ng mundo—at sa mata ni Xerxes—isa siyang gold digger na binebenta ang katawan para sa yaman. Desidido si Xerxes na gawing impyerno ang buhay ni Amara sa loob ng mansyon. Ang plano niya: akitin ito, paaminin na pera lang ang habol niya, at wasakin ito gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Sa bawat gabing nagtatama ang kanilang landas sa madilim na pasilyo ng mansyon, tila isang laro ng apoy ang namamagitan sa kanila. "Kung kaya mong ibigay ang katawan mo sa isang matanda para sa pera," bulong ni Xerxes habang idinidiin si Amara sa pader, "Bakit hindi mo ibigay sa akin nang libre? Tutal... kabisado ko na ang bawat sulok nito." Hanggang kailan kayang panindigan ni Amara ang pagiging tapat na asawa ng ama, kung ang puso at katawan niya ay sumisigaw para sa anak nito?
101.7K viewsCompletedAdded to Library 50 Times as 5 second rule
Read
+Library
Running Away With His Child

Running Away With His Child

Pagkatapos ng limang taon na pagkawala, bumalik si Astrid Alejandro sa Pilipinas dala ang isang desisyong akala niya ay makakapagpalaya sa kanya mula sa mapait na nakaraan. Ngunit sa isang gabing puno ng alak, init, at maling pagkakataon, muli niyang nakasama ang lalaking pilit niyang tinatakasan noon, si Xavian Avanzado. Ang lalaking minsan niyang minahal… at iniwan nang walang paalam. Para kay Xavian, ang pagkawala ni Astrid ang naging dahilan ng limang taong impyerno. Limang taon ng galit, obsession, at walang katapusang paghahanap. Kaya ngayong muli niyang nahawakan ang babaeng sumira sa kanya, hindi na niya ito hahayaang makatakas pa. Ngunit paano kung may mas mabigat pang dahilan kung bakit biglang naglaho si Astrid noon? At paano kung ang pagbabalik niya ay hindi lang para harapin si Xavian… kundi para protektahan ang lihim na matagal niyang itinago? Sa muling pagtatagpo ng dalawang pusong sugatan, muling mag-aalab ang pagmamahal, galit, at pagnanasang akala nila’y matagal nang namatay. Ngunit sa mundong puno ng kapangyarihan, obsession, at mga sikreto, hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa’t isa? O muli na namang may tatakbo palayo… kasama ang batang bunga ng kanilang nakaraan?
603 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as 5 second rule
Read
+Library
Play me Harder, Billionaire

Play me Harder, Billionaire

I broke up with love. Swore I’d never fall again. Then my boss, Xander Blackwell, walked in with his sharp suits, colder eyes, and the kind of mouth that ruins all rules. We agreed: no feelings, just touch. Just heat. Just bodies. But somewhere between late-night calls and stolen glances, the line we drew started to blur. He says I’m just his assistant. But when he whispers "mine" it doesn’t feel like a lie. This wasn’t supposed to mean anything. So why does it feel like everything?
869 viewsOngoingAdded to Library 33 Times as 5 second rule
Read
+Library
THE BILLIONAIRE’S TOY

THE BILLIONAIRE’S TOY

Maverick Vijay Thalapathy - Akin ka lang, sapagkat ikaw ay aking laruan, na hindi pwedeng agawin ng iba o lawayan kahit si Diablo ng impiyerno Shavena Malasaga - Hindi mo ako pagmamay-ari. Tapos na ang kontrata ko sa'yo, Mister Thalapathy; wala akong pakialam diyan sa Diablo na sinabi mo. Hindi mo na ako laruan? Magunaw man ang mundo, hinding-hindi ako papayag na maging isang laruan mo. Mas gusto kong maging pulubi sa kalsada kaysa makasama kang muli. Isang pagkakamali ba ang pagbili ng pagkatao para lang sa mithiin mo? Makikita ba nila ang pag-ibig na sumibol sa maling pagbili at pagpayag?
10223 viewsCompletedAdded to Library 4 Times as 5 second rule
Read
+Library
My Brother's Bestfriend

My Brother's Bestfriend

Series #1 I love you, Sister Series #2 My Brother's Bestfriend I am Sofia Avery, Vaughn’s younger sister. Akala ni kuya, simple lang akong babae, conservative and old fashioned. Eh nag-aral ako sa ibang bansa kaya na-adapt ko ang culture doon. I am a liberated woman, at may isang naging seryosong karelasyon, but I left him in Spain dahil nagiging bad influence na siya sa akin. Nakilala ko si Josh dela Paz, na kapatid ni sister Bianca, at bestfriend ni kuya. Naging ka-roommate ko siya sa apartment na pag-aari niya. Hindi ko alam na pinaghiwalay ni kuya si Josh at si Alison na ex-fiancée niya. May naka-video na naghahalikan sina kuya Vaughn at Alison, at napanood ito ni Josh. Mahal na namin ang isa’t isa. Ibinigay ko na ang lahat-lahat sa kanya, but I found out that he just made me fall for him para gantihan si kuya. Bumalik siya sa ex-fiancée niya na nanloko lang siya, at nang-akit sa kuya Vaughn ko.
1069.3K viewsCompletedAdded to Library 1.5K Times as 5 second rule
Read
+Library
Seduced By My Brother-in-law

Seduced By My Brother-in-law

Tagos sa kasalanan. Lunod sa tukso. Trixie Manalastas thought she had it all figured out—loyal assistant by day, quiet and composed by night. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang tumira sa iisang bubong kasama ng lalaking bawal niyang pagnasaan—ang brother-in-law niyang si Lance Dominic "Dom" Arriola. Tall, brooding, at laging naka-sando na parang kasalanan ang bawat muscle, si Dominic ang tipo ng lalaking tinitingnan mo lang dapat… pero hindi mo dapat hinahangaan. Lalo na’t kapatid siya ng fiancé mo. Pero paano kung sa bawat titig niya ay may banta ng tukso? Sa bawat sulyap, parang hinuhubaran ka na? Sa bawat gabing tahimik, may mga ungol na gustong kumawala? At paano kung isang gabing walang kuryente, sa ilalim ng init ng dilim, hindi mo na mapigilan ang sarili mo—at ang kasalanan ay hindi lang basta nangyari, kundi sinadya? This is not your typical love story. This is a tale of temptation, guilt, and a kind of pleasure na bawal pero hindi mo maitatangging gusto mo. Because sometimes… the one who ruins you, is the one you crave the most.
101.6K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as 5 second rule
Read
+Library
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
103.1K viewsCompletedAdded to Library 122 Times as 5 second rule
Read
+Library
Maddening Desires

Maddening Desires

VANILLARIOT
Jorge Czar Desjardin, isang Mafia Don ng isa sa pinaka matayog na organisasyon sa Pilipinas. Cold, Serious and Deadly. Ngunit sa kabila ng lahat ng katanyagan nito sa larangan ay iisa ang tanging hinahangad niya at iyon ay ang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang Ina. Jacintha Yza Desjardin, ampon ng mga Desjardin, isang matapang na babae, na hindi maalala ang kanyang nakaraan na kusang binura ng kanyang isipan. Feisty, Brave and Driven. Walang ibang nais kundi ang makawala sa mundo na puno ng p*tayan at bumuo ng pamilyang maituturing niyang kanya. Kaya ng mangyari ang mga di inaasahan at nagulo ang kanilang nakasanayan; ay wala na silang takas sa tensyong kanilang nararamdaman, kahit pa tingin nila ito ay kabaliwan. MEN OF POWER SERIES [ 1/5 ]
1.4K viewsCompletedAdded to Library 35 Times as 5 second rule
Read
+Library
Bound To Him

Bound To Him

Nang dahil sa kapusukan ay walang nagawa si Zia nang ipakasal siya sa lalaking kailanma'y hindi niya magugustuhan. Labis ang pagkamuhi niya dahil sa pagsasama nilang ito. Lalo pa at ang kapatid nito ang nilalaman ng puso niya. Pero bakit noong inilatag na ng asawa ang annulment papers nila ay tumututol na ang puso niya? Nagawa na ba nitong pasukin ang kanyang puso sa ilang taon na nagsama sila sa iisang bubong? Paano kung nagsawa na ito kakahintay sa kanya at may mahal ng iba? Mababawi pa kaya niya ang lalaking minsan ng naging pag-aari niya?
10699 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as 5 second rule
Read
+Library
My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss

My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss

Bago pirmahan ni Calyx ang divorce papers, hiniling niya sa asawa na may mangyari sa kanila ng gabing iyon. Pumayag naman si Athena at sa gabing ‘yon ay ipinagkaloob niya ang sarili sa asawa ng paulit-ulit. Ngunit makalipas ang apat na taon, muling nag-krus ang landas nina Athena at Calyx. Pilit na umiiwas si Athena kay Calyx pero laging gumagawa ng paraan ang lalaki para mapalapit sa kaniya. Ngunit kahit anong iwas ni Athena, natatagpuan na lang niya ang sarili na pumapayag sa gusto ni Calyx. Ngunit isang sitwasyon ang ikinabahala niya. Nakita si Athena ni Calyx na may buhat na bata. Ano ang sasabihin niya? Aamin ba siya na ang dating asawa ang ama ng anak o magsisinungaling na nabuntis siya ng iba? O hahaplusin ang puso niya na sabihin ang totoo para sa bata?
10667 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as 5 second rule
Read
+Library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status