CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
usisa nito na may ngiting nakakaloko.
“Hindi. Kapatid ng sister-in-law ko,” agarang tugon naman ni Sixto.
“Hindi nga, bro?”
“Yeah. Parang ate ko na rin iyan,” dagdag pa niya.
“Oh... okay. Hi, ma'am... I am Almiro,” pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay.
Medyo nakataas-kilay na tiningnan ni Carmela ang inilahad nitong kamay, pero hindi niya iyon tinanggap.