Seducing My Hot Ninong Everett
Ang bawat bote ng alak ay may kasaysayan, may prosesong kailangang pagdaanan at bawat detalye ay dapat perpekto.
Habang nakatayo ako sa gitna ng vineyard, tinitingnan ang mga taniman ng ubas na inaasahang anihin sa susunod na linggo, habang ka-videocall ko naman ang isa sa mga care taker ng farm ko sa Bulacan. Ganito ako sa umaga, kapag walang masyadong ginagawa, kinakausap ko ang mga iba’t ibang tauhan ko na nag-aalaga sa mga grapes farm ko sa Pilipinas. Sa Bulacan, La union, Batangas at Bataan. At mabuti na lang at maayos ang lahat, wala namang problema kasi magagaling ang mga farmer ko.
인기 회차