For Rent: Groom For The Billionaire
Xamira POV
Alas dose y medya ng madaling araw nang bigla akong magising na may tumutulo nang luha sa pisngi ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon? Nang ipikit ko muli ang mata ko, bumalik ang mukha ni Lola Flordelisa. Nakatayo siya sa isang lugar na sobrang liwanag, sobrang linis at sobrang payapa. Parang langit, pero hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lang siya sa akin, nakangiti pero parang may lungkot pa rin ang mukha niya. “Umuwi ka na, Xamira. May kailangan kang malaman,” sabi pa niya sa pananigip ko. At pagkatapos ay nawala siya sa liwanag na iyon.
الفصول الرائجة