CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
Sa kanan, may sunflower farm na tila ginintoang dagat sa ilalim ng sikat ng araw.
Wala halos bahay sa paligid, maliban sa dalawang barn sa likuran, simple pero maayos, at ang Manor’s House na pagmamay-ari ni Fourth, isang eleganteng bahay na malaki, may malalawak na bintana at balkonaheng tanaw ang buong taniman.
Sa di-kalayuan, maririnig ang huni ng mga ibon, ang ungol ng baka, at ang yabag ng mga kabayo. Ang hangin ay malamig at preskong may amoy-lupa.