Lahid
Ang lalaking iyon ay si Fernan Loreto y Calag, isang mestisong sarhento ng guardia civil na isa ring kasapi ng La Indio Independencia.
Ang kilala sa bansag na Batong Kawal.
Sa pag-upo ni Sarhento Loreto sa isa sa mga silya, dumating naman ang dalawa pang kasapi ng tagong kapatiran. Ito ay ang mga negosyanteng sina Benjamin Florencio y Balinos, ang bansag Puting Uwak at ang pinakamatandang kasapi na si Domingo Jimenez y Vicente, ang bansag Tandang Mais. Sumunod naman sa kanilang pagdating ay ang may bansag na Trompetang Bulaklak na si Anastacio dela Cruz, ang may-ari ng tanyag na tabernang Magdalena sa Vinos Callejas. Isa itong binabae o lalaking nagsusuot ng baro't saya na may asal at kilos
Capítulos em Alta