Chasing The Wife He Threw Away
Napatigil na lang ako nang makarating kami sa coffee shop na malapit doon, maganda ang design ng coffee shop, talagang gagaan ang pakiramdam mo dahil sa ambiance ng lugar.
“Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko sa kaniya.
“Well, go to coffee shop ko ito if I felt stress sa work, so baka makatulong sayo kapag andito ka.” Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Nag-order siya ng kape naming dalawa at naghanap ng mauupuan namin.
Tama nga siya gagaan ang pakiramdam mo kapag stress ka tapos andito ka. Hindi maingay, tahimik lang, tama ang lamig at maamoy mo ang bango ng kape nila.