What You Give Is What I Give
Alam niyang pinagtitinginan na sila ng ibang mga costumer dito sa coffee shop na kinaroroonan nila, pero parang nawalan na siya ng pakialam pa sa sasabihin ng mga tao sa paligid niya, dahil ang iniintindi niya na lamang ngayon ay ang sakit na nararamdaman niya, at ang guilt para sa asawa ni Julius.
Kahit wala naman siyang idea sa kagaguhan ni Julius ay nagi-guilty pa rin siya, babae siya, kaya alam niya kung ano ang mararamdaman ng asawa ng lalake kung sa kaling malaman nito ang kataksilang ginawa ng asawa nito; siya nga na hindi naman gano'n katagal na nakarelasyon ni Julius ay sobra na ang sakit para sa kaniya, paano na lamang kaya ito na walong taon nang kasal sa lalake?
Hot Chapters