CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
Hindi niya mapigilan ang paghanga, hindi lang sa tattoo, at galing nito sa paghawak ng espada kundi pati na rin sa ganda ng hubog ng katawan nito.
Natigil lang ang kanyang pagtitig sa magandang likuran nito nang bigla itong humarap at umatake sa hangin. At nang mapansin siya, napahinto si Sixto. Kaagad na ibinaba nito ang espeda at napatitig sa kanya. Hindi naman naiwasan ni Carmela na mapako ang mga mata sa namimintog na abs ng binata, at tuloy-tuloy siyang napalunok ng laway.
“G-Good morning,” kabadong bati ni Carmela. Ngunit hindi ito umimik at muli siyang tinalikuran, ipinagpatuloy lang ang pag-eensayo.