Death Whisperer
sabi ni Ashen, "kahit saan at kailan. Akala siguro niya hindi ko siya makikita dahil noong mga panahong iyon, ipinatawag ni Cadis ang lahat para sa isang pagtitipon. Naaalala mo pa ba? Pinuntahan kita noon sa silid mo at tinanong kita kung dadalo ka sa kasiyahan, pero ang sabi mo hindi ka interesado. Ni hindi mo nga ako hinarap noong araw na iyon. Hindi ka lumabas ng silid mo. Akala ko pa naman makikita kita uli."
"Oo, naaalala ko," tugon ni Hogan.
Nagpatuloy si Ashen, "Pero dahil sa kapangyarihan ko, nalalaman ko ang bawat galaw sa loob ng Santuario kahit wala ako." Kumumpas siya sa hangin at lumabas ang isang maliit na kahon na mistulang isang jewelry box. Binuksan niya ito, at sa loob may
Hot Chapters