Chain the Truth
Nagkatinginan kami ni Alex at posibleng magkaroon kami nang panibagong lead dahil sa narinig namin.
“Maaari ba ba namin malaman kung sino ang babae ang iyong tinutukoy?” tanong ko sa kanya.
“Lea Yuki. Isang haponesa. Siya ang secretary nang aking asawa sa kanyang opisina, Itinago nila ang kanilang relasyon sa akin nang mahigit dalawang buwan. Nang mahuli ko sila ay tumigil naman sila sa kanilang ugnayan. Pero hindi ako nakakasiguro dito. Ang huling pag-uusap namin nang aking asawa ay nagpaalam siya sa akin na may bibilhin lang daw siya sa labas pero ang hinala ko ay nakipagkita siya sa kanyang babae,” sabi ni Misis Perez sa amin. Sa sinabi niya ay may malaking posibilidad na ang kabet nang a