Unofficially Yours
Tulad na lang ni Jessica.
Nakita nya kung gaano nalugmok ang kaibigan nang hiwalayan sya ng babaeng iyon. Araw-araw itong lasing at madalas mapaaway sa mga bar na pinupuntahan. Kahit pa tila naisantabi sya ni Joaquín noong kasagsagan ng relasyon nito kay Jessica ay hindi sumama ang loob nya. Naroroon sya palagi para damayan ito sa kanyang depression. Pumapagitna sa mga away, taga-alalay, tagalinis ng pinagsukahan, tagaluto, tagasubo kapag ayaw kumain, tagahatid at taga-pickup ng mga kailangan sa opisina, at kung anu-ano pa. Ngayon kahit papaano ay nakakabawi na rin ang kaibigan at ikinatutuwa nya iyon, kaso, nasobrahan naman sa pagka-palikero.
Bab Populer