Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
“Sorry. I didn’t mean to cause a scene. Pero hindi tama ‘yung sinabi nila.”
Umiling si Elle, at sa unang pagkakataon mula kanina, lumabas ang isang tapat na ngiti. “No, Nathan. Thank you. Hindi ko na alam kung paano ko sasagutin kanina. You didn’t have to defend me, pero… I appreciate it.”
Bahagyang natawa si Nathan. “Of course. Friends look out for each other, right?”
Nang marinig iyon, parang kumalma ang puso ni Elle. Friends. Simpleng salita, pero may bigat. At sa gitna ng cafeteria na puno ng usapan at bulungan, ramdam niyang hindi siya mag-isa.