Magnus : My Mafia Husband
"She's in the garden, nagwo-walking yata, sabi ko kasi, mas maganda kapag nag-eehersisyo siya nang madaling araw, para hindi siya mahirapan sa panganganak."
Tumango lang ako sa sinabi niya. Aksyon sana akong aalis na nang nagkwento pa ito saglit na siyang ikinalingon ko.
"Bilib ako sa asawa mong 'yan, ang tapang mag-water birth method, sabi ko sa kaniya, kung kaya niya, mas mabuti. Kasi natural birthing method 'yon, alam mo ba anak, noon nga, noong iniluluwal ko kayo ni Mara, water-birthing method din gamit ko." Tumawa ito saka kumuha ng isang basong tubig at uminom.