TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
“Johnford, salamat sa pagbibigay sa akin ng lakas nung mga panahon na pinakamahirap at pinakamasakit sa akin ang lahat. Simula ngayon, kailangan nating dalawa na mabuhay ng mabuti at maayos. Sana mas lalo ka pang gumwapo, lalong maging masaya at habambuhay na pagpalain. Goodbye, Johnford. Wag mong bibiguin ang mga hiling ko.”
Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Johnford matapos niyang bitiwan ang salitang “goodbye.”
Hindi agad isinara ni Agatha ang bintana ng kotse o umalis, naghintay siya para kay Johnford.
Sa huli, gamit ang paos na boses, mahinang bumulong si Johnford, “Agatha, paalam din sayo, hinahangad ko… wang walang hanggang kasiyahan mo…”