Naglalagablab na Secrets and Revenge
Kasing-edad ko lang siya, siguro ay matanda lang ako ng isa o dalawang taon, pero ang awra niya ay nakakabighani.
“Don't be intimidated, Ate Yna,” natatawang sabi ni Hannah, lumapit at nakipagbeso sa akin. Ang amoy ng mamahaling pabango niya ay dumikit sa hangin. “I’ve been dying to meet the woman who finally tamed the great Black Saviano.”
“Hannah,” isang pamilyar at pilyong boses ang sumingit mula sa hallway ng penthouse.
Lumingon kami at nakita namin si Hunter. Nakasuot ito ng itim na leather jacket, nakapamulsa, at may pilyong ngisi sa labi.