My Love From The Past
Hindi ko alam kung napilitan lang ang loko dahil hawak ko ang ikakasira ng image niya.
Napailing nalang ako, napilitan o hindi, gagawin kong memorable ang date naming dalawa na sa tuwing mag-date sila ni Juana ay ako lang ang papasok sa isip niya. Sa ganoong paraan, unti unti ko na mapapalitan si Juana sa isip niya at makakapasok ako sa puso niya.
Tanggap kong si Juana ang first love niya at alam kong hindi ito madaling palitan. Kaya naman gagawin ko ang lahat upang mapansin niya ako at ma-realize niyang ako ang nararapat sa kanya.