Bakit Ikaw Pa Rin?
Ang sakit lang dahil kahit mahal pa namin ang isa't-isa ay sobrang imposible na talaga.
Muli nitong sinapo ang mukha ko at saka pinakatitigan ako. Mata sa mata. At kagaya ko namumula na rin ang mga mata nito dahil sa mga luhang pinipigilan nito.
"Makinig ka sa akin, baby. Mahal kita, mahal na mahal at kahit tutol ang buong mundo wala akong pakialam. Dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw, ikaw lang. Kung muling tumutol si Mommy, I don't care, I can live without her but not you. Minsan na kitang pinakawalan dahil kay Mommy at hinding-hindi ko na uulitin iyon. Hindi ako naging masaya sa loob ng mga panahon na wala ka, ayaw ko ng mabuhay sa puro kalungkutan, Baby."
Bab Populer