Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Divorced Wife's Protector Is Her Lawyer

Divorced Wife's Protector Is Her Lawyer

Aurelia Navarro gave her love, her time, her fortune—everything. Pero sa dulo, siya pa rin ang iniwan… ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon siyang nagsakripisyo bilang asawa ni Matteo Navarro. Ngunit nang malugi ang Navarro Holdings na siya mismo ang nagpapatakbo ay siya rin ang sinisi, at nasira ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang misteryosong lalaki na nag-alok ng investment. “I can give you 5% of my shares,” sabi nito. Ngumisi si Aurelia. “Five percent? Keep it. I can build my own empire.” Walang nakakaalam na sa likod ng pangalang Aurelia Navarro ay nakatago ang tunay niyang pagkatao— isang major shareholder ng Gatchalian Inc., international professor, renowned painter, at ang pinakakilalang assassin sa underground world. At nang lumuhod si Matteo sa ilalim ng ulan para humihingi ng tawad, isang lalaking may itim na payong ang nakatayo sa tabi ni Aurelia. “Mr. Navarro, please leave,” malamig nitong sambit. “Who are you to her?” singhal ni Matteo. Emil smirked. “Atty. Emiliano De Rossi. I’m her lover.”
431 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as ilalim
Read
+Library
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
1019.4K viewsOngoingAdded to Library 659 Times as ilalim
Read
+Library
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
1014.0K viewsCompletedAdded to Library 350 Times as ilalim
Read
+Library
Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
102.9K viewsOngoingAdded to Library 102 Times as ilalim
Read
+Library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
1013.3K viewsCompletedAdded to Library 411 Times as ilalim
Read
+Library
The Contract: Beginning of His Obsession

The Contract: Beginning of His Obsession

"To hell with the contract. This is my playground, Adelina... and you happen to be my favorite toy." ........ Dahil sa desperasyong maisalba ang ina, napilitan si Adelina Sanchez na pasukin ang madilim na mundo ng prostitusyon. Doon niya nakatagpo si Carter Vergara, at ang gabing kanilang pinagsaluhan ay nagbunga. Ngunit pinili ni Adelina na palakihin ang bata nang mag-isa dahil sa takot na hindi ito tanggapin ng lalaki. Limang taon ang lumipas. Muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawa—pero hindi siya kilala ni Carter. Upang tustusan ang operasyon sa puso ng kaniyang anak—ang parehong sakit na pumatay sa kaniyang ina—tinanggap ni Adelina ang isang mapangahas na kontrata: ang maging surrogate mother nina Carter at ng asawa nitong si Fatima. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi dadaan sa siyensya—kailangang ibigay ni Adelina ang kaniyang buong katawan kay Carter hanggang sa makabuo sila ng tagapagmana. Sa ilalim ng iisang bubong, magliliyab ang isang makasalanang ugnayan. Magsisimula ang isang obsesyong hindi na kayang kontrolin ni Carter—isang obsesyong kahit anong takas ni Adelina, pilit at pilit pa rin siyang mahahanap nito.
10337 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as ilalim
Read
+Library
Married to My Best Friend’s Billionaire Dad

Married to My Best Friend’s Billionaire Dad

Isabela Ledesma never imagined her life would take such a scandalous turn. Bagong sugat sa puso, matapos iwan ng kanyang first love na si Marco Villamor, napilitan siyang sumama sa isang blind date— at sa gulat niya, nauwi ito sa kasal kay Rafael Santillan, ang ama ng kanyang matalik na kaibigang si Rita. Isang May-December marriage na plano lang sana para maibalik ang kanyang pride at matiyak ang kanyang kinabukasan, ay biglang naging laro ng tukso at pagnanasa. Si Rafael Santillan, isang kaakit-akit at karismatikong bilyonaryo, ay iba sa kanyang inaasahan. Sa likod ng kanyang matipuno at sophisticated na anyo, nakatago ang isang lalaking hindi takot sundan ang kanyang lihim na nagpapalito at nagpapakaba kay Isabela sa bawat sandali. Mula sa awkward na simula hanggang sa mga lihim na sulyap at tensyon sa kasal, bawat eksena ay nagtutulak kay Isabela na balansehin ang kanyang pride, puso, at kaligtasan sa mundo ng mayayamang elitista. Magpapatuloy ba silang manatiling nasa ilalim lang ng kontrata, o haharapin nila ang apoy ng pagnanasa at lihim na damdamin na magbabago sa kanilang buhay magpakailanman?
104.9K viewsCompletedAdded to Library 118 Times as ilalim
Read
+Library
PINKY GANGSTERS

PINKY GANGSTERS

Wenichie
Kung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa amin. Ang singilin ang mga may pagkakautang sa kanila. Ang protektahan ang mga Queens. At mabuhay para pumatay. Hindi kami apat lang. Binubuo kami ng iba't ibang grupo. Vhilantro Cavalier Rebellion Seuss at Kami, ang "PINKY GANGSTERS." Walo kaming kababaihan na sa oras na banggain mo ang isa ay magtago kana. Dahil kahit sa ilalim ka pa nang lupa magtago. . . Hindi ka na namin huhukayin kung hindi mas ibabaon pa. Mataray ba masyado? Well, KAPAG gangsters lang naman kami but when time comes na ordinaryong tao lang kami. Gugustuhin mong mapasama sa amin dahil hindi makukumpleto ang tropa kung kulang nang isa. That's we are! Not perfect but not boring. If you want adventure then read this. If you want love then open this book. If you want horror. Well, try this too. But if you want .. peace then back-off . Hindi mo na dapat basahin pa ito. Dahil dito mo makikita ang tunay na gulo. ---
2.5K viewsOngoingAdded to Library 53 Times as ilalim
Read
+Library
My Hot Roommate

My Hot Roommate

Kung kailan namang anniversary, saka pa nakipaghiwalay ang long-term-boyfriend ni Valerie. Ang ending, super brokenhearted ang bida natin. Para mabawasan ang lungkot, napagpasyahan na lang niyang umalis sa bahay nila at magrenta sa malapit sa trabaho niya. Kaya lang, ang mamahal na ng renta ng mga paupahan sa ngayon. Kulang na kulang ang budget niya dahil isa rin siyang working student. Saan siya hahanap ng mura e halos lahat ang mamahal na. Saan puwede tumira nang wala gaanong gastos? Sa ilalim ng kanal? Sa labas ng mga convenience store? Buti na lang, to the rescue ang friend niyang beki - si Kendra. May kakilala pala itong nagrerenta sa murang halaga na willing magkaroon ng kahati sa kuwarto at sabi ay mabait naman daw. Yon ang sabi. Hindi diyan natatapos ang kanyang problema dahil ang magiging roommate daw niya ay isa palang lalaki. Para rin daw pumayag ang landlady na magsama silang dalawa, magpanggap silang mag-jowa. OMG! Paano na? Hindi pa ba niya itutuloy ang pagrerenta kung isang hot roommate pala ang kanyang makakasama?
1.2K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as ilalim
Read
+Library
Tempting My Billionaire Kuya

Tempting My Billionaire Kuya

Nang mawala ang mga magulang ni Eliana, parang nawala na rin ang buong mundo niya. Pinagtabuyan at tinalikuran siya ng mga taong tinawag niyang pamilya, kaya wala siyang ibang nalapitan kundi si Gabriel Alvarez—ang makapangyarihang billionaire CEO na matagal na niyang lihim na minamahal. Pero para kay Gabriel, isa lang siyang responsibilidad. Isang pangakong iniwan ng kanyang ina. Isang babaeng kahit kailan ay hindi niya dapat angkinin. Ngunit sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nababasag ang malamig na distansiyang pilit niyang binuo sa pagitan nilang dalawa. At habang mas lumalalim ang kanilang pagsasama, mas lalo namang nagiging determinado si Eliana na patunayang hindi lang siya mananatiling isang responsibilidad sa buhay nito. Pero nang tuluyan nang mawalan ng kontrol si Gabriel at mahulog sa bawal nilang relasyon, bumalik ang dating fiancée nito na handang gawin ang lahat para sirain si Eliana. Kasabay niyon ang pagdating ng isang mapanganib na lalaking gustong angkinin si Eliana para lang pabagsakin si Gabriel. Sa mundong puno ng tukso, kapangyarihan, at pagtataksil... hanggang kailan kayang protektahan ni Gabriel ang babaeng hindi niya dapat mahalin?
141 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as ilalim
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
10
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status