Contract and Marriage
aniya sa mababang boses, “may mga pagkakataon na napapagod din ako. Lalo na noon, nung sabay kong hinahawakan ang kumpanya at pamilya. Akala ko kasi, sapat na ‘yung success para mapanatiling buo ang lahat. Pero dumating ‘yung point na ramdam kong napapalayo na sa akin ang Mommy niyo at ang pinakamalala, I told her to get out.”
Tahimik kaming lahat. Ramdam ko ‘yung bigat ng boses niya—‘yung sakit na pilit niyang tinatago sa likod ng ngiti.
“Hindi ko alam na unti-unti na pala siyang nawawalan ng gana… na nakikita na niya ang sarili niyang unattractive,” patuloy niya, bahagyang nanginginig ang boses. “At ‘yon ang nagsimula ng insecurities niya. Damn,” napailing siya, saka uminom ng isang lagok.
Hot Chapters