One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)
Kabanata 90 (WAKAS)
Third Person’s POV
Tulog na ang mga bata nang umuwi sina Chase at Kiara galing sa date nilang dalawa mag-asawa. Ang buong bahay ay tahimik, tanging ang mahinang ingay ng aircon at ang pagtibok ng kanilang mga puso ang siyang nagpapaingay sa paligid. Ilang buwan na rin silang hindi nagkaroon ng ganitong sandali na silang dalawa lang. Ang mga araw nila ay puno ng mga meeting, papel, at ang walang katapusang ingay ng dalawang aktibong bata. Kaya nang maisara ni Kiara ang pinto ng kanilang master bedroom, tila ba may hindi nakikitang kuryente na pumalit sa hangin sa pagitan nila.
ตอนยอดนิยม