Serving the Billionaire
Dahan-dahang inilapag ng nars ang maliit, mapula, at umiiyak na sanggol sa ibabaw ng kaniyang dibdib para sa isang skin-to-skin contact.
Nang maramdaman ni Chrisha ang init ng balat ng kaniyang anak, ang kaniyang mga luha ng purong kaligayahan ay hindi na napigilan. Babae ang anak niya at papangalan niya itong Tyra.
"Tyra... ang aking munting Tyra," ang basag na bulong ni Chrisha habang dahan-dahang hinahalikan ang basang ulo ng kaniyang anak, habang ang maliit na kamay ng sanggol ay marahang dumapo sa kaniyang daliri. "Salamat dahil dumating ka nang ligtas. Ikaw ang bagong buhay ni mama."
الفصول الرائجة