Love Left Behind
Na-realize niya kung gaano kabigat ang simpleng pagkakasulat ng katotohanang iyon.
Sa kabilang dulo, napatigil si Chris habang binabasa ang mensahe. Parang tumigil ang mundo, at sa isang iglap, nakaramdam siya ng kakaibang init sa dibdib. Binasa niya iyon nang minsan, pangalawa, at pangatlong beses, na parang hindi sapat ang isang tingin lang para paniwalaan na totoo. Unti-unti, lumitaw ang mabagal ngunit masayang ngiti sa labi niya—isang ngiti na hindi niya napapansin na kanina pa kumakawala. Shey agad ang naisip niya. At sa pagkakaalam niyang siya ang unang taong tinawagan nito, parang biglang naging magaan ang lahat.
Hot Chapters