One Hot Night to Forever
Agad na nagniningning ang mga mata nina Atlas at Atticus habang nakaupo sa carpet, nakatitig sa mga makukulay na kahon.
"O, para sa mga boys ko," nakangiting sabi ni Yvee habang inilalabas ang dalawang malaking kahon ng pinakabagong Lego Technic set na limitado lang ang release. "Sabi ni Daddy, kailangan niyo raw 'tong i-assemble nang magkasama para mas mabilis."
"Wow! Thank you, Mommy! Thank you, Daddy!" sigaw ni Atlas, mabilis na niyakap ang kahon na parang ayaw na itong pakawalan.