Love, Hate And Marriage
Nagsalita yung ibang kamag-anak namin sa side ni Mommy, may ibang tao rin ang nandun na nakiramay, kinu-kwento nila kung gaano siya kabait na boss, kaibigan, asawa at ina sa akin, isang bagay na hindi na nila kailangang sabihin dahil alam ko sa sarili kong totoo ang mga yun.
'This one's for you Mom. And if you get to talk to God, please tell him that I thank him for having you as my mother; thank you for everything. I pray for you to be at peace. I love you so much.' Hinayaan ko nang kumawala sa kamay ko ang tali nang puting lobong hawak ko, ngumiti ako habang tinitingala itong papalayo sa akin.
인기 회차