Kakaibang Tikim
“Gutom ang karamihan. Kapag may nag-abot ng isang libo, malaking bagay iyon. Hindi sila masama. Survival lang.”
Tahimik siyang nakinig.
“Pero hindi ibig sabihin no’n tama ang sistema,” dagdag ko.
Tumayo ako at lumapit sa bintana.
Sa labas, tahimik ang gabi. Pero alam kong sa likod ng katahimikang iyon, may mga taong nagbibilang ng perang ipapamudmod.
“Kung hindi ka na lalaban,” sabi ko, “lalaban ako hindi para sa pride natin. Kundi para ipakita na hindi kailangang bumili ng boto.”
Bab Populer