Dark Secret | Filipino
Matapos marinig ang mga katagang iyon at maramdaman ang maalab nitong yakap agad na niyang binitiwan ang buhok nito at tuluyang napayakap nang mahigpit.
“Ikaw kasi—”
“Kahit ano pang itsura mo, mamahalin at tatanggapin pa rin kita. I love you, Love.”
“I love you too, Love,” sagot niyang agad pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata. “Pasensiya ka na sa pagiging emotera ko, Love. Ikaw kasi—alam mong pikunin ako, e.”
“Oo na po, Love. Sanay na ’ko sa ’yo. Sige na magpalit ka na at pasyal tayo sa ilog,” anitong niyaya na siyang pumasok sa loob.
ตอนยอดนิยม