Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kung Isusuko ko ang Langit

Kung Isusuko ko ang Langit

Sapphire Dyace
Napag alaman ni Gerald na ang anak ng family friend nila, ay ipapakasal sa isang matandang triple ang edad dito, para lang mabawi ang dangal na sinasabi ng tatay nito, dahil daw isang disgrasyada ang kanyang anak. Dahil dito, napilitan siyang itakas si Janna. Subalit isa pala itong malaking pagkakamali, dahil ang hiniling sa kanya ng tatay ng babae, ay ang pakasalan niya ito upang maahon sa mas lalo png kahihiyan ang pamilya ni Janna. Dahil dito, nakiusap siya kay Lizzy, ang kanyang fiance, na kung maaari ay pakakasalan muna niya ang batambatang si Janna, at hihiwalayan na lang after 3 years, para sa gayon ay nasa tamang edad na talaga itong magdecide para sa sarili, at makatapos muna ng pag aaral. Ayaw sanang pumayag ni Lizzy, ngunit dahil sa assurance na ibinigay niya, pumayag din ito kalaunan. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.. Dahil ang isang pagpapanggap, ay nauwi sa isang makatotohanang gawi, dahil na rin sa taglay na katangian ni Janna, na hindi niya kayang tanggihan. Hindi niya alam, kung tama ba, na samantalahin niya, ang puso ni Janna, gayong ang pgkilala nito sa kanya, ay isang kuya lamang? paano siya aamin kay Lizzy? siya rin kaya ay gugustuhin ni Janna?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
Romance
108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
Romance
10846 viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Lumaki si Naya Diaz sa isang pamilyang sobrang taas ng expectation. Dahil doon ay kailangan niyang magpursige at patunayan ang kanyang sarili sa kanila. Maging sa kanyang trabaho ay wala siyang dapat na inaaksayang oras. Until one day, humantong sa punto na pagod na pagod na siya sa mga bagay na gusto nila para sa kanya. Her parents want her to marry the son of their friend - a mature, ten years older than her, and business-minded individual. Bagamat ayaw niyang madismaya sila sa kanya ay pinili pa rin niya ang hindi pumayag. Nang dahil doon ay ipinagtabuyan nila siya bilang parte ng pamilya Diaz. Nang malaman ni Xavier Iglesias, ang kanyang aroganteng boss at ang kanyang long-time boyfriend, ang tungkol sa ginawang iyon ng kanyang pamilya ay labis ang galit at pagkasuklam nito sa kanila. Pagod na siyang nakikita na palaging umiiyak ang babaeng mahal niya. Kaya naman nagpasya siya na ituloy na ang kasal na matagal niya nang binabalak. Naya agreed to marry him. Pero ang masaklap ay humingi ito ng pabor na kung maaari ay itago nila ang tungkol sa kanilang kasal at ang pagiging mag-asawa nila sa publiko. She told him that she needs more time to pursue her own goal. Ngunit habang tumatagal ay pansin ni Xavier na nakaukit pa rin sa pagkatao ni Naya ang magpa-impress sa pamilya nito. Hanggang kailan niya magagawang magpanggap at itago ang relasyong meron sila ni Naya? Hanggang saan siya aabutin ng kanyang pagtitiis tungo sa pamilya nito? He wants more of his wife, not half of her.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
857 viewsOngoing
Read
Add to library
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
Romance
1031.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
Fantasy
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1014.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
211.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status