The Operations Manager
“Oo naman. Magaling ka, Ara. Maging top one ka man o hindi, magaling ka. Ako ang numero unong naniniwala sa kagalingan mo.”
“Salamat, Ate Aria.”
“Mag-aaral ka nang mabuti, Ara.”
Tumango-tango lang siya at ngumiti. Lalabas na sana siya ng kwarto ko pero mabilis kong hinigit ang kaniyang braso at pinaharap sa akin. “Mag-aral ka kung hanggang saan lang ang kaya mo. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Tandaan mo, Ara, na hindi parating ikaw lang ang laging mangunguna. Habang tumatagal ay mas makakakita ka pa ng mas higit sa’yo at hindi mo ‘yon kailangang higitan. Hangga’t ibinibigay mo ang best na mayroon ka, sapat na ‘yon para ikonsiderang mahusay ka,” paliwanag ko sa kaniya at hinayaan na siyang
Hot Chapters