Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Caught In His Wife's Trap (Tagalog)

Caught In His Wife's Trap (Tagalog)

Maria Vienna Schneider is a ghost in the underworld-a second-ranked mafia member who moves unseen, striking with deadly precision. Sa araw, siya ay nagtatago sa maskara ng isang hindi kapansin-pansing nerd, isang pantakip na nagtatago ng kanyang tunay na pagkakakilanlan. Ngunit ang kanyang pinakabagong misyon ay naiiba sa lahat ng kanyang hinarap. Ngayong pagkakataon, hindi siya ipinadala para pumatay. Ipinadala siya upang may protektahan. Her mission? Draven Monticello. Heir of Monticellos, a man marked for death by enemies lurking in the shadows... and the man she's secretly loved for years. Upang maprotektahan si Draven, kailangang gawin ni Mavis ang hindi niya kailan man maisip na magagawa niya—to marry Draven. Bound by duty and deception, she enters a forced marriage with a man who despises her, unaware of the woman behind the mask. Ang bawat sandali kasama si Draven ay parehong isang pahirap at isang kasiyahan, isang masalimuot na sayaw sa pagitan ng tungkulin at pagnanasa. Ngunit habang lumalabo ang mga linya ng kanyang misyon at ng kanyang puso, nalagay siya sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili. Manatili sa tabi ng lalaking hindi siya kayang mahalin, at isugal ang sarili niyang kapakanan upang si Draven ay protektahan? O ang magparaya at lumayo, bago ang mga lihim na kanyang tinatago ay sirain silang dalawa? In a world where love is dangerous and betrayal is inevitable, Mavis must decide. . . will she fight for the man she can never have, or sacrifice her heart to keep him safe?
Mafia
1046.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The CEO's Secret

The CEO's Secret

SPG ALERT ❗ WARNING: Viewer discretion is advised. Contains graphic sex scenes, mature contents, adult language and situation intended for mature readers only. Si Scarlet ay isang office assistant sa isang kompaniya. Siya ay isang dakilang utusan sa kanilang departmento. Utos doon, utos dito. Kahit busy siya sa kaniyang sariling trabaho ay hindi ito makatanggi sa kaniyang kasamahan. Kahit hindi siya pinapasalamatan ng mga ito, ay ginagawa pa rin niya ang utos nila, dahil kahit papaano ay nakakatulong siya sa kanila. Nang mag-aya ang kaibigan ni Scarlet na magdiwang ng kaarawan nito sa isang eksklusibo at respetadong male strip club ay wala naman itong nagawa kung hindi ay pumayag. Doon niya nakilala ang isang lalaking stripper na nakamaskara, sinayawan siya nito ng mapangakit at mapanghalina. Hindi niya malaman ang kaniyang nararamdaman pero gusto niya itong makilala at malaman ang pangalan man lang. Hindi niya mawari kung anong sumapi sa kaniya dahil nakita niya na lang ang kaniyang sarili na nakaabang sa backstage at lihim na sinusubaybayan ang lalaki. Nagbibihis ito at nang hinubad ang kaniyang maskara ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman--- “Bakit siya? Bakit ang Boss niya pa?”
Romance
1074.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
661 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
Romance
1014.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Between the Mafia's and the Agent's

Between the Mafia's and the Agent's

“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko 'agad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito sa probinsya kaya kami napasugod 'agad." dagdag pa ni Via. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
Mafia
106.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status