Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO's Forgotten Wife

CEO's Forgotten Wife

Trina Montenegros, anak sa labas ng kaniyang ama at ipinagkasundo sa anak ng Dela Vegas group. She is a fashion designer subalit siya ay pinagbintangang nagnakaw ng disenyo ng iba kung kaya't siya ay ipinadala ni Darren Dela Vegas sa Paris to avoid any trouble. Ngunit paano kung ang asawa mo lang sa papel ay nahulog sayo? Sinubukang habulin ni Darren si Trina dahil ayaw siya nitong malayo sa kaniya, subalit sa isang pangyayari, sa isang aksidente ay makalimutan ka niya? After seven years she came back as successful designer at hindi na siya papayag na mamaliitin lang siya ng kaniyang kapatid sa ama. Ang asawa mong akala mo ay sinadya kang kalimutan dahil sa nangyari, subalit lingid sa kaniyang kaalaman na naaksidente ito at hindi siya maalala. May pag-asa pa bang mahalin muli siya nito? O mananatili itong walang puso at masungit na CEO? Maaalala pa ba niya ang asawa niya o mapagkakamalan pa rin niya itong patay na patay sa kaniya?
Romance
9.6251.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Unexpected

Love Unexpected

MayaTheReader
“I want you. All I want is to be close to you. I want to smell your sweet fresh scent. I want to kiss you until you ran out of breath. I want to feel your body against mine. I want all of you Monica. I want to make love with you forever. Damn it!” – Jack Ricafort Joaquin “Jack” Ricafort is an arrogant and cold, intimidating, a foul-mouthed, terribly good-looking, a filthy rich hotelier and every woman’s fantasy, fell deeply in love with a very simple woman, a bit shy and never had a boyfriend Monica Azucena. How far can unexpected love take them? Will they be able to withstand the trials that will come in their love? Si Monica Azucena ay isang mabuting anak, mapagmahal sa pamilya at inuuna ang kapakanan ng magulang at nag-iisang kapatid. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay makikilala niya ang isang masungit, palamura at seryosong lalake na magbabago ng kaniyang buhay at pananaw. Ipaglalaban pa ba niya ang pag-ibig na hindi inaasahan kung matuklasan niya ang katotohanan tungkol sa nakaraan ng kanilang mga magulang? At ang dahilan na muntikan ng pagkamatay ng ama? -Ongoing-
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
Romance
10355 viewsOngoing
Read
Add to library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.323.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
Other
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.722.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1014.8K viewsCompleted
Read
Add to library
WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR

WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR

SPG/R-18+ Tila isang panaginip lang ang lahat pagkatapos ng mainit nilang pinagsaluhan nagising na lamang si Ednalyn Del Socorro, code name Jade. Na hindi na siya si Jade, ang dating matapang na Agent ng Eagle Eye, na walang takot sa ano mang laban.Isa na lamang siyang simpleng sekretarya ng CEO ng isang malaking kompanya ng bansa ang EA group of companies. What if, ang bago nilang CEO na si Everette Altamerano ay walang iba kun'di si Sir Everette Ocampo ng Eagle Eye agency na dati n'yang superior na masungit pero umaapaw sa ka-guwapuhan nito? Makakaya kayang ipaalala muli ni Ednalyn Del Socorro sa dating malambing pero suplado si Sir Everette Ocampo, ang kanilang masayang nakaraan kung nalimot na siya ng dating minamahal na Superior na si Everette Ocampo? What's the next step, ano ang kayang gawin ng dating agent na matapang na si Ednalyn Del Socorro, upang muling manumbalik ang dating pagtingin ng kaniyang superior na si Sir Everette Ocampo? Or kailangan bang muli madugtungan ang mainit nila noon na pinagsaluhan upang manumbalik ang dati nilang pagmamahalan?
Romance
1025.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Zhairro Cly Possession

Zhairro Cly Possession

Eroticredroom
Zhairro Cly is a famous billionaire and well-known businessman throughout the Philippines.. He is always cold and emotionless, ayaw sa maingay at mainitin lagi ang ulo. Walang babaeng nakakalapit sa kanya maliban na lang sa ina at childhood friend niya. On the other hand.. Si Carlyn Antonia o mas kilala bilang si Cara ay isang sikat na model. sa unang tingin ay akala mo tahimik siya at masungit pero ang totoo ay madaldal, conyo at friendly. Hindi din siya naniniwala sa pag ibig, and at the age of 23 ay wala pa rin siyang boyfriend, Dahil naniniwala lang daw siya sa kasabihang 'Ang tunay na Pag-ibig ay nasa libro at wala sa totoong mundo'. Pero nagtagpo ang kanilang mundo, naging magkaibigan at magkarelasyon nagkapangakuan at tumagal.. ngunit dahil sa isang pagkakamali nagbago ang lahat, magiging masaya pa kaya ang magiging katapusan ng storya nila kung sa una pa lamang ay nagka-lamat na? ZHAIRRO CLY POSSESSION E N J O Y R E A D I N G L O V E S DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events and incidents are either of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living, or dead , actual events is pure coincidental. Plagiarism is a crime.
Romance
816 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status