Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Romance
9.721.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Hindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
Romance
10932 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
When a Single Mom meet the Hot CEO

When a Single Mom meet the Hot CEO

Steph is a single mother. Kaya todo kayod siya sa buhay para lang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak na si Michael. Lahat ng trabaho ay pinasukan niya na. At sa pagtatrabaho niya sa club ay nakilala nito ang isang Hot CEO ng Kompanya na may lihim na pagtingin sa kanya.
Romance
107.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10209.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Adiksiyon ni Mr. Collymore

Ang Adiksiyon ni Mr. Collymore

YoursToClaim
Sabi nga ng iba... Love can be sad and love can be happy. Yena Suarez. Kung magkakaroon man ng katawan ang salitang 'maganda' ay siya na iyon. Noong walong taong gulang pa lamang siya ay alam na niya sa sarili niya na naka takda silang ikasal ng kaniyang matalik na kababata na si Nikko. Masaya naman sila noon, ngunit nang mag laon at namatay ang Ina ni Nikko ay doon nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Lalong lalo na ng malaman niyang may lihim na kasintahan pala si Nikko na matagal na palang ikinukubli nito sa kanya. Nadurog ang puso niya sa nalaman. Tinulungan siya ni Dwight, ang nakakatandang kapatid ni NikkoNikko sa labas. Doon niya pa mas nakilala si Dwight Collymore. Ngunit paano kaya kung malaman niya kung ano ang lihim na matagal ng ikinukubli rin ni Dwight sa dalaga? Paano kung... siya ang Adiksiyon niya?
Romance
10848 viewsOngoing
Read
Add to library
"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

Habang iniwan ni Elara ang kanyang mayamang pamilya upang mamuhay ng isang payak na buhay, nakilala niya si Nathaniel Anderson—ang anak ng isang bilyonaryo na nais patunayan ang sarili nang hindi umaasa sa yaman ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal, nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang nangailangan si Nathaniel ng tulong upang matupad ang kanyang mga pangarap, buong puso siyang sinuportahan ni Elara. Ngunit nang bumalik ang dating pag-ibig ni Nathaniel, gumuho ang kanilang kasal. Sa gitna ng matinding pagtataksil at sakit, nagdesisyon si Elara na lumayo—dala ang isang lihim na magbabago sa kanilang kapalaran. Makalipas ang ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngayon, determinado si Nathaniel na bawiin ang babaeng minsang iniwan. Ngunit magpapadala pa ba si Elara sa dating damdamin, o tuluyan na siyang lalayo bilang isang lihim na bilyonarya?
Romance
1028.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Si Leana Allegre ay isang babae na nasawi sa kanyang unang pag-ibig, nagdesisyon siyang gumamit ng baraha upang pagsisihan ng ex-boyfriend niyang si Felix ang ginawang panloloko sa kanya. Ginamit niya si Damian, isang gusgusing estudyante na sa tingin niya ay madaling bilhin para maging fake boyfriend niya. Lingid sa kaalaman ni Leana na ang lalaki pala ay isang CEO at bilyonaryo na may lihim na pagtingin sa kanya. Sa gitna ng pagpapanggap, unti-unting nabura ang mga linya ng pagkukunwari. Nahulog si Leana kay Damian, at ibinigay niya ang sarili rito pero hindi niya alam na ang lalaki ay may mga lihim na dahilan sa paglapit sa kanya—Isang kasal na biglaan, isang pagtatapat na magpapabago sa lahat. Paano kung ang pekeng pag-ibig ay naging totoo? Paano kung ang katotohanan ngayon ay mas masakit pa kaysa sa naramdaman mo noon?!
Romance
42 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex And our secret twins

My Billionaire Ex And our secret twins

Limang taon na ang lumipas nang durugin ni Elly Panganiban ang puso ni Carl Montesantos at lisanin ang billionaire world nito. Ginawa niya ito upang protektahan si Carl, kapalit ng isang lihim: ang kanilang kambal na anak, sina Liam at Lia—ang lihim na bunga ng pag-ibig na kailangan niyang itanggi. Ngayon, napilitan si Elly na magtrabaho sa Montesantos Holdings, ang imperyo ng kanyang Billionaire Ex na si Carl. Ang pag-ibig ay napalitan ng matinding pagkamuhi at paghihiganti. Araw-araw, sinisiguro ni Carl na maramdaman ni Elly ang pait ng pag-iwan, tinatawag siyang "walang-kwenta" at "basura" sa trabaho. Mas lumala ang sitwasyon sa presensya ni Sharon Montemayor, ang fiancée ni Carl, at ni Theo Ramos, na nagpaalab ng selos sa Bilyonaryo. Sa gitna ng tensyon, nagbigay ng walang-awang kasinungalingan si Elly: "patay na" ang ama ng kambal. Ngunit ang lahat ng galit at paghihiganti ni Carl ay guguho sa isang iglap! Sa Lobby ng kumpanya, nakita ni Carl ang kanyang anak na si Liam. Ang bata, na eksaktong kopya niya at may matatalim na asul na mata, ay sumigaw ng katotohanan: Siya ang ama! Hindi siya namatay! Dinoble ang kanyang pamilya! Ang mga mata ni Carl ay biglang nagbago, mula sa poot tungo sa pag-angkin at walang-sawang possessiveness! Simula na ng giyera! Paano itatago ni Elly ang lihim kung ang Bilyonaryong Ex, na ngayo'y nag-aapoy sa galit, ay handa nang angkinin ang kanyang dugo at lahi?!
Romance
258 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status