Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
DUMPED TO FOREVER

DUMPED TO FOREVER

Akala ni Lyka Jimenez ay habambuhay na silang dalawa. Para sa kanya, si Alejandro Bauer ang katapusan ng lahat ng kanyang paghahanap at ang simula ng kanyang magandang kinabukasan. Subalit sa isang iglap, gumuho ang lahat. Isang gabi, nang hindi niya inaasahan at nang walang kahit anong paliwanag, iniwan siya nito. Tinalikuran siya nang parang wala silang pinagsamahan, iniwan siyang wasak ang puso, puno ng tanong, at nababad sa sakit at matinding kahihiyan. Ilang taon ang lumipas at marami nang nagbago, ngunit bumalik si Alejandro. Hindi na upang muling manakit o lumayo. Bumalik siya upang harapin ang nakaraan at patunayan ang isang bagay: na mula nang hiwalayan niya ito noon hanggang sa araw na ito, sa bawat sandali ng kanyang buhay, si Lyka lang ang tanging mahal niya. Siya lang ang nais niyang makapiling at dalhin hanggang sa dulo ng walang hanggan. Handa na si Alejandro na gawin ang lahat upang makuha muli ang tiwala at pagmamahal ng dalaga. Ngunit sa kabilang banda, ang tanong na bumabagabag sa lahat: papayag pa ba si Lyka na buksan muli ang kanyang puso? Hahayaan pa ba niya na hilumin at hawakan muli ng lalaking minsan nang sumira at nagdulot ng matinding sugat sa kanya?
161 viewsCompletedAdded to Library 6 Times as never ever lyrics
Read
+Library
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
1014.9K viewsCompletedAdded to Library 521 Times as never ever lyrics
Read
+Library
Our Love, My Baby, Forever

Our Love, My Baby, Forever

Belladiana17
(S E A S O N 1) Nalaman ng magulang lalo na si Rafael na magkasintahan sila Cassandra at Miguel, pilit silang pinaghihiwalay dahil si Rafael ang gusto ng ama ni Cassandra lalo na't ito ay nagdadalang tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa't isa kung kaya't gumawa ng paraan si Rafael, ang ipapatay si Miguel ngunit nadamay din si Cassandra pati ang kanilang munting anghel. Sumumpa sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay. ang kwentong ito, ay tungkol sa REINCARNATION. Bibigyan ko ito ng twist para mas gumanda ang takbo ng kwento. Sa muli nilang pagkikita bilang MACEY at MARCO, muli kaya silang paglalapitin ng tadhana?.. sila kaya talaga hanggang huli?.. Magwawagi ba muli si RAFAEL sa pagsira sa pangalawang pagkakataon? (S E A S O N 2) Subaybayan po natin ang pag iibigan sa pangalawang buhay nila MACEY at MARCO..
104.9K viewsCompletedAdded to Library 140 Times as never ever lyrics
Read
+Library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
1022.1K viewsCompletedAdded to Library 661 Times as never ever lyrics
Read
+Library
Today Until Forever

Today Until Forever

yourpurpleXhie
Si Serenity Delpino ay isang pihikan at bitter na dalaga. May trust issues siya because of her past relationship and past experience. Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang isang richman and womanizer na si Braiv Jexon Velazco. Ang dating tahimik at simpleng buhay niya ay magbabago. Paiibigin siya ng lalaking una pa lang ay kinaiinisan niya na. Pagkatapos niyang mapaibig ay masasaktan siya dahil malalaman niyang ang lahat ng ito ay planado lamang ni Braiv. Muli na namang masisira ng isang lalaki ang tiwala niya at mangangako siya sa sarili na hinding hindi na magmamahal pang muli. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay pagtatagpuin na naman sila ng mapaglarong tadhana. Madidiskubre niyang si Braiv ay parte pala nang nakalimutan niyang nakaraan, her childhood memories. Madudugtungan pa ba ang naudlot nilang istorya? Posible pa bang magmahal ang babaeng hindi na naniniwala sa tunay na pag-ibig, o may pag-asa pa ba talagang magbago ang lalaking walang planong magseryoso at magmahal?
1.8K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as never ever lyrics
Read
+Library
One Night, Forever Mine

One Night, Forever Mine

Si Luna Reyes ay isang simpleng babae na handa nang magpakasal—hanggang sa mahuli niyang may ibang babae ang fiancé niya sa mismong kama nila. Wasak, sugatan, at pagod na sa pagiging “tama,” napadpad siya sa isang bar para takasan ang sakit kahit isang gabi lang. Doon niya nakilala si Adrian Vale—isang makapangyarihang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Isang gabi. Walang pangalan. Walang bukas. Ngunit ang gabing iyon ang magbubuklod sa kanila sa paraang hindi nila inaasahan. Sa muling pagtatagpo nila, hindi na maiiwasan ang tensyon, pagnanasa, at emosyon na pilit nilang tinatakasan. Pero sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at kontrol—hanggang saan kayang ipaglaban ni Luna ang sarili niya? At handa ba siyang mahalin ang lalaking maaaring sumira… o bumuo muli sa kanya?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 78 Times as never ever lyrics
Read
+Library
I Found Forever with My Ex's Uncle

I Found Forever with My Ex's Uncle

She was betrayed by the man she trusted. He never believed he would love again. Matapos wasakin ng panloloko ang puso ni Hanna Portugal, pinili niyang itayo muli ang sarili—malayo sa sakit, kahihiyan, at mga alaala ng nakaraan. Ngunit ang kapalaran ay may kakaibang paraan ng pagbabalik sa mga sugat na pilit mong tinakpan. Muling nagtagpo ang kanilang landas ng lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—Harold Cardinal, ang tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Isang malamig, disiplinado, at makapangyarihang CEO na matagal nang isinara ang pinto ng kanyang puso sa pag-ibig. Sa gitna ng ambisyon, responsibilidad, at mga lihim na hindi dapat nabubunyag, isang ugnayang itinuturing na bawal ang unti-unting nabuo—hindi dahil sa kapusukan, kundi dahil sa pag-unawa, paggalang, at tahimik na pagpili sa isa’t isa. Minsan, ang forever ay dumarating hindi bilang pangarap—kundi bilang pagsubok na handa mong panindigan.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 27 Times as never ever lyrics
Read
+Library
Where You Can't Stay Forever

Where You Can't Stay Forever

byeoluvve
"All the beautiful memories, just turned into a beautiful nightmares." Breaking up with the guy you love the most is the hardest part of being in love. Letting go as if it’s only the choice you need to choose. Letting go even though you want to hold that person as tightly as you can just to make that person stay besides you. I really want to hold back, I want to fight for us, but how can I do that? Kung ang taong inaasahan mong lalaban din para sa iyo ay sumuko na nang tuluyan? Paano mo pa siya hahawakan kung siya na mismo ang kusang bumibitaw? Sometimes, when you love someone, you want and wishes them the best and happiness, but then sometimes, what's best for them is not you — you're not part of it. We love each other, but we choose to let go each other, it's not because we're coward and afraid to face it, but because that's the only thing we can do to save 'us'. WHERE YOU CAN'T STAY FOREVER.
4.4K viewsCompletedAdded to Library 174 Times as never ever lyrics
Read
+Library
PROMISE YOU FOREVER

PROMISE YOU FOREVER

"First day of work new day starts again" wika ni Amethyst. Papunta na sya sa bago niyang papasokang hotel kung saan Siya ay magiging receptionist. Graduate Siya ng Business Administration In Hotel and Management. Average man ang katalinohan ay isa naman siyang napakagandang dalaga, Sexy, matangkad, maputi, matangos ang ilong. Lagi nga siyang inaanyayahang sumali sa mga beauty pageant sa school at sa kanilang baranggay. Siya lang talaga Yung ayaw sumali dahil hassle para sa kanya. Hindi rin niya gusto Yung nag to-two piece sa harap ng maraming tao shy type Siya kumbaga, Wala Siyang ganung confidence sa harap ng maraming mga tao sa kabila ng balingkinitan niyang katawan at making umbok ng bundok sa harapan ay nahihiya Siyang makita ito ng mga kalalakihan. Sa edad niya na 26 years old ay Hindi pa Siya nakapag boyfriend. "Good morning Amy!" Saad ni Louise isa sa katrabaho niya sa Hotel. Naging magkaibigan sila ni Louise sa isang Hotel kung saan sila nag OJT. Magkaiba ang napasukan nilang kolehiyo pero sa iisang hotel sila nag OJT sa sister's brach ng hotel ng pinapasukan nila. Ito ang pinaka malaking Hotel sa Lugar nila ang Forge Hotel. "Kumain kana Loe?" tanong ni Amethyst sa kaibigan. "Oo eh...nag sleep over kasi si Dwayne sa Bahay kagabi at nagsabay na kami kanina papasok sa trabaho kaya nakapagluto Ako ng maaga," si Dwayne ay boyfriend ni Louise.. Oo may boyfriend si Louise samantalang Siya ay di pa nakapag boyfriend kahit kailan. "Ikaw ba Amy Kumain kanaba?" dagdag pa nito. "Yah, Kumain na Ako sa Bahay, alam mo naman ako diba?" balik niya sa tanong niya sa kaibigan. "I know..so pano Tara na!" Aya nito ang ang ibig Sabihin ay pupwesto na sila sa desk information ng Hotel para mag ompisa na Silang mag duty. 9:00am nakasi.
1.3K viewsOngoingAdded to Library 47 Times as never ever lyrics
Read
+Library
Destined to Forever

Destined to Forever

Amira
Arrange Marriage! para sa pamilya, sa mga manggagawa na patuloy na umaasa sa kanilang pamilya. Si Armina Mondragon bunsong anak, maganda, matalino at isinilang na may gintong kutsara sa labi, at higit sa lahat mabait at masunuring anak kung kaya't Siya ay pumapayag sa nais Ng kanilang magulang. Ang kanyang pinakamamahal na Kuya Nathaniel ay hindi sang Ayon dahil ayaw niyang ipakipagsapalaran Ang kaligayahan Ng kanyang kapatid. Samantala, si Eduard Vincent Araneta,, solong anak na tagapag mana, arogante at matalino, siya Ang bubuo sa buhay ni Armina.
5.1K viewsOngoingAdded to Library 127 Times as never ever lyrics
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status