My Bodyguard
Si Cassandra Belmonte, anak ng isang kilalang Mafia boss, ay nasaksihan ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang mga magulang. Isang gabing nababalot ng kulog at ulan, ang mga putok ng baril na nagmula sa kanilang silid ang sumira sa kanyang buhay. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang magtago at protektahan ang kanyang sarili.
Para sa kanyang kaligtasan, isang dating miyembro ng US Military Special Task Force na si Christopher Herrera, ay bumalik sa Maynila upang magsilbing kanyang bodyguard. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang kanyang buhay ang kailangan niyang protektahan, kundi pati na rin ang kanyang puso? Magagawa kaya ni Christopher na pigilan ang pag-ibig na sumibol sa puso ni Cassandra, o mananatili lamang siyang isang tagapagbantay?