Diary Ng XXX Celebrity
tanong ko pa.
“Nasa kuwarto niya, pero magme-merienda na siya. Gusto mo bang ikaw na ang magdala nito sa kaniya?” binuhat ni Kuya Charlie ang platong may laman na tatlong cupcake at saka inabot sa akin.
“Sa kaniya ito?” tanong ko ulit habang sinusuri kong mabuti ang cupcake.
“Yes, merienda niya, request niya sa akin kagabi kaya nanggaling ako sa cake shop kanina,” sagot niya. Kaya pala sila naroon sa labas ng cake shop kanina.