His Personal Affair
Matigas na sabi ni Oliver nang hindi nakaligtas sa kaniya ang palihim na tanong ni Roco kay Drake.
Napabuntong hininga si Ivory. Umaandar na naman ang kapraningan ng mga kapatid niya.
'Kung maka react ang mga ito parang single pa ako. Jusko!' Nai-stress na ani ni Ivory sa kaniyang isipan habang nakikinig sa mga kapatid niyang kulang sa aruga.
"Hello everyone, by the way, I'm May Ivory Vitaliano-"
"Wang. You're a Wang," singit ni Oliver. Sinamaan siya nang tingin ni Ivory dahil hindi pa nga siya tapos magsalita.