Manhater (Filipino)
Muli niyang napansin ang pag-angat ng hintuturo ng daliri nito sa kamay, kung kaya't kinusot niya ang kaniyang mga mata gamit ang sariling kamay at gumuhit ng ngiti sa labi niya.
"Alam kong naririnig mo ako ngayon, Ms. Alona. Gusto ko lang din ipaalam sa'yo na pansamatala akong mawawala sa tabi mo dahil may ilang bagay ako na dapat asikasuhin. Huwag kang mag-alala dahil babalik din naman ako, babalikan kita pagkatapos non. Kaya hanggat wala ako sa tabi mo, dapat magpagaling ka at magpalakas. Para sa muling pagbabalik ko at sa oras na magkita tayo muling dalawa ay magagawa muna ako muling sigawan, sipain, pagtripan at patawanin. Mamimiss ko ang mga malalakas mong paghalakhak at pati na ang ma
Bab Populer