His Fake Wife
Matigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha at parang wala siyang pakialam sa kaniyang paligid.
Matangos ang kaniyang ilong. Iyon agad ang napansin ko. Makapal ang kaniyang kilay, maging ang pilik-mata, dahil nakasideview siya ay hindi ko gaanong makita ang kulay ng kaniyang mga mata. Pero sigurado akong parang kulay abo iyon. May bigote, medyo makapal, pero maayos tingnan at bumagay lamang sa kaniya para magmukha siyang malupit— at nakakatakot. May kaunting balbas, sa may baba at sa gilid ng panga. Manipis iyon at mukhang bagong tubo pa lamang pagkatapos ng ilang linggong pagshave.
الفصول الرائجة