Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
7 viewsOngoing
Read
Add to library
My Crazy Rich Ninong

My Crazy Rich Ninong

Akala ni Alexia simple lang ang buhay niya chismosa sa umaga, barista sa hapon, at certified marites sa gabi. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang “tampo moment” sa Jollibee, biglang nagpakita ang isang lalaking naka-three-piece suit, may hawak na kontrata… at may sinasabing siya raw ang legal na tagapag-alaga niya? Siya si Julian Alarcon. Billionaryo. CEO. Cold-hearted. At oo ang Ninong niyang matagal nang nawawala sa eksena. Pero teka, bakit parang hindi pang-Ninong ang mga titig niya? Bakit parang may sariling buhay ang mga kilig sa katawan ni Alexia? At bakit siya sinusundo ng limousine papunta sa isang mansyon kung saan ayaw siya pakawalan ng gwapong “Ninong” na ito? Ang problema? Makulit si Alexia, madaldal, at walang preno sa bunganga. Pero si Julian… sanay sa katahimikan, respeto, at walang ka-cheapan sa paligid. So anong mangyayari kapag ang isang pabibo at makulit na babae ay pinilit tumira sa mundo ng sosyal, tahimik, at super serious? Isa lang ang malinaw si Alexia ang babaeng kayang pasabugin ang mundo ng isang lalaking sanay sa kontrol. At si Julian? Baka siya pa ang unang mapusasan ng kilig.
Romance
107.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

   He is Isiah Jade Stuart, a businessman, gwapo, matalino, misteryoso. Kinakatakutan, walang sinasanto, walang kinatatakutan.     Paano kung iwan siya ng babaeng mahal niya, dahil na rin sa kagagawan niya. Kaya, kaya niyang mabuhay na wala si Amber sa kanyang tabi?    Nathalie Amber De Luca, one of the twin of De Luca Clan. Paano kung isang araw ay magising na lang si Amber na di na siya si Amber? Siya na pala si Abby Cullen na walang maalala sa nakaraan at nasa kamay siya ng kanyang pinsan na si Niccolo De Luca.    Makakawala pa kaya si Amber  sa kamay ni Niccolo lalo na't malalaman niya na ginagamit lamang siya bilang pa-in, para sa pamilya niya at para din kay Isiah? Ano ang mangyayari sa dalawang taong nagkawalay ng matagal na panahon? Ano ang mangyayari sa dalawang puso na nasaktan sa matagal na panahon?   May pag-asa pa kaya na maibabalik nila ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa kaya na magkita silang muli. Kung sa bawat pagkikita nila ay laging may napapahamak? Kung sa bawat pagkikita nila ay palaging may balakid.
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10492 viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

Sa mismong araw ng kasal nila, nalaman ni Luna ang mapait na katotohanan—ginamit at pinakasalan lang siya ni Damon upang saktan ang babaeng dating karelasyon nito. Dala ng matinding sakit at pagkabigo, nagpasya siyang iwan si Damon sa araw ding iyon. Tahimik itong naglaho nang walang paalam. “Hanapin n’yo siya! I want every inch of this estate searched!” sigaw ni Damon habang galit na galit na naglalakad paikot sa marble flooring ng hall, ang mga palad niya'y nakasukbit sa kanyang buhok na tila ba hindi malaman kung ano ang uunahin—ang takot, ang galit, o ang pagkasira ng loob. “Sir Damon,” lapit ng isa sa mga security. “We’ve searched the entire estate… wala po talaga si Ma’am Luna. Even the guard at the back gate said walang nakitang dumaan.” “She can’t just run away with my child!” singhal niya, boses niya'y halos mapunit sa dami ng emosyong nagsasalubong sa dibdib. “Do whatever it takes—bring her back! Now!” Pagkalipas ng anim na taon magmula noong maglaho na parang bula si Luna... "Boss, we found your wife. She just landed at the international airport." "And she’s with three kids... who all look exactly like you." "But there’s another man with them—and one of the kids is calling him Dad."
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
Romance
571 viewsOngoing
Read
Add to library
ARRANGE MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE

ARRANGE MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE

Her name is Zera. Ang bunso sa dalawang mag-kapatid. Sapilitan siyang ipinakasal ng kanyang mga magulang sa Isang lalaking mag-sasalba sa kanilang kompanya. Si Vladimir. Ang lalaking matagal ng itinatangi ni Zera. Pero anong klaseng buhay Ang mararanasan niya sa isang taong Galit at walang pagmamahal sa kanya. Hanggang saan Ang pagmamahal ng isang Zera. Makakaya ba niyang mag-patuloy kung pati magulang niya ay walang pagmamahal sa kanya? Tanging ang magiging anak na lamang ang kakampi niya. Pero kung pati ito mawala sa kanya. Hanggang saan rin aabutin ang Galit niya? Marami pa natuklasan si Zera sa nakaraan niya. nawalan siya ng anak, pinagtaksilan pa siya ng kanyang kapatid na hindi naman pala sila mag-kaano ano. Marami sekreto ang natuklasan si Zera. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Makakaya pa bang baguhin ni Vladimir ang mga pangyayari kung sa pagbalik ng nakaraan ay may isang Courtney chandria na anak ng sobrang yaman sa ibang Bansa mula sa Spain. Malayong malayo sa babaeng pinakasalan niya. Sino si Countess Courtney chandria? Bakit nasa kanya Ang Mukha ng kanyang Zera? Bakit langit lupa ang kaibahan nito sa kanya Asawa.
Romance
108.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Sleeping Vampire Princess Series #1

The Sleeping Vampire Princess Series #1

She's the unrestrained princess of the Madrid family. Walang puwedeng makakatibag sa kung anong disisyon niya. Lahat ng gulo ay siya ang nagpapasimuno dahilan upang maparusahan siya ng death sleep ng isang libong taon. Subalit paano kung sa kaniyang paggising ay makilala niya si Elmhurst, isang mortal na pilyo at maloko, sa isla ng Alta Tiero? Makakaya kaya nitong baguhin ang mailap niyang puso? Paano kung si Selena ang nagtulak sa binata upang paslangin nito ang sarili nitong magulang?
Fantasy
102.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Surrogate for the Tycoon

Surrogate for the Tycoon

Handang gawin ni Erika Benedicto ang lahat upang maisalba ang sarili sa kahirapan. Kaya naman nang dumating sa kaniyang buhay ang isang alok ng bilyonaryong si Calton Fortalejo ay kaagad niya itong tinanggap nang walang pag-aalinlangan. Ito ay ang maging surrogate mother ng anak nito kapalit ng malaking halaga. Ngunit biglang nagbago ang isip niya nang tuluyang maipanganak ang sanggol. Gusto niya nang ibalik ang pera ng lalaki nang buo. But Calton was determine to have his own kid in any way.
Romance
350 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status