REBORN AS A HEIRESS
Natigil ang kulitan ng dalawa at napatingin sa paglapit sa kanila ni Nica na hindi nila napansin na kanina pa nakamasid sa kanila.
"Oh, hi!" bati ng binata.
"Magkasama pala kayong dalawa," wika ni Nica nang nakatingin kay Faith.
"Kasama mo ba si Paolo?" pag-iwas na tanong ni Ponce.
"No. I'm alone. Wala namang siyang time sa ganitong mga lakad. He is more interested in a manly thing like gym, soccer and basketball. At hindi ko rin gusto ang mga kinahihiligan niya. So, mostly, we do our things separately."